Confession IV

4.7K 219 6
                                    





Kasalukuyan akong nasa kusina para maghanda ng pagkain ng mga bata.






Nakakatawa naman. From escort ngayon tagaluto ng pagkain ng mga bata. Napailing ako ng aking ulo. Iba ka talaga Honey. Natatawa tuloy ako. Ilang araw na din kasi akong nagtatrabaho bilang Chef kuno ng kanilang foundation.







"What's funny?" Nagulat naman ako sa kanya. Wait kanina pa ba siya nandiyan? Nakasandal kasi siya sa dingding ng kusina habang nakahalukipkip ang mga braso.






"Wala" sabay iling ng aking ulo.






"Hindi ka pa nag-uumpisang magluto. Nagugutom na yung mga bata" sabi niya habang papalapit sakin.






Bigla naman kumabog ng malakas ang dibdib ko. Weird.








"Eto na nga po ma'am Cheese o. Magluluto na" sabi ko na lang sa kanya sabay kuha ng chopping board tsaka kutsilyo.






"Reese" pagtatama niya sa pangalan niya. Bahala siya diyan siya pa rin si Cheese "and don't call me ma'am"








"Bakit naman hindi? Boss naman talaga kita..." sabi ko habang nakangiti sa kanya "tsaka isa pa teacher ka dito so dapat lang talaga na tawagin kitang ma'am"







"Whatever" nagkibit lang siya ng kanyang balikat.





Napatingin naman ako sa kanya na kasalakuyang nakatingin sa mga nakahandang ingredients sa kusina.





"Pwede favor?"






"Yeah, sure. Ano yun?"






"Tulungan mo kong magluto?






Natawa naman siya ng bahagya "kaya nga kita pinagtrabaho bilang tagaluto dito para magluto tapos magpapatulong ka lang din pala sa akin magluto"








"Eh di ko naman alam na tagaluto pala yung magiging trabaho ko"







"Di mo rin ba alam nung una na magiging bayarin ka?"





"Escort" pagtatama ko sa sinabi niya.







"What's the difference? Same lang naman yun. Pinaganda mo lang"





Wow. Nainsulto naman ako dun ng slight. Don't worry guys, slight lang naman. Slight lang talaga. Umiwas ako ng tingin sa kanya "Alam ko na magiging bayarin ako at choice ko yun" inihanda ko na ang mga kailangan kong hiwain "ikaw ba? Kung alam mo bang ganito ang magiging resulta ng marriage mo magpapakasal ka pa sa asawa mo?" Hindi ko alam kung bakit lumabas yung tanong na yun sa bibig ko. Ghad! Baka magalit siya sakin. O, well. Ininsulto din naman niya ako so patas lang kami.








Tahimik lang siya sa gilid ko. Hindi siya nakasagot sa akin ng ilang segundo hanggang sa nagsalita na nga siya.








"My business trip ang husband ko sa Batanes...I want you to go there"







Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo "go there?Ang mahal kaya ng pamasahe papuntang batanes"







"So anong silbi ko bilang boss mo?" Diin niyang tanong.








Kung sabagay. Oo nga boss ko siya. Ibig sabihin siya bahala sa lahat. Di talaga ako nag-iisip.







"Kelan naman yung alis ko?"





Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon