Halos lahat ng bisita napapalingon sakin. Di naman sa pagmamayabang pero maganda naman talaga kasi ako.Andito na pala ako ngayon sa party kasama ang asawa ni Cheese na si Martin.
Aaminin ko gwapo si Martin. Malakas ang sex appeal at gentleman. Matangkad din siya na mistiso. Siya yung tipo ng lalaki na dream guy ng mga babae. Okay naman si Martin ang problema lang sa kanya masyado siyang manloloko.
"Hey, are you okay?" tanong sakin ni Martin.
"Of course" nginitian niya ako "Don't mind those people who stares at you. Maganda ka kasi kaya ka nila tinitignan" Huh! Sinabi mo pa. Mabuti pa tong si Marting amin agad na maganda ako samantalang si Cheese naman may pa 'I hate to admit' chuchu pang nalalaman.
Napangiti naman ako ng maalala siya. Ano na kaya ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya yun?
"Martin!" Napalingon ako dun sa tumawag kay martin. Pamilyar ang mukha niya. Kung di ako nagkakamali isa siya sa mga naging kliente ko.
"Dude!" Binati nila ang isa't isa "Kamusta na?"
"Eto okay lang naman" nabaling naman ang paningin niya sakin "at sino naman tong magandang kasama mo?"
"Oh yeah. John, this is Sean my date for tonight" tiningnan ako ng malagkit ni Martin sa mata. Siguro kung si Cheese yung tumingin sakin ng ganun kanina pa naging abnormal tong tibok ng puso ko.
"Hi, sean. Nice meeting you" hinawakan niya ang kamay ko saka ito binigyan ng halik. Gentleman daw kuno.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya "Hi, John nice meeting you too"
"You look familiar though"
Nginitian ko lang siya. Di ko kailangan sabihin sa kanya na isa akong escort at isa siya sa mga naging kliente ko.
"Anyways, maiba tayo" nalipat ang paningin niya kay Martin "How's Reese?"
Naexcite ako bahagya ng marinig ko ang pangalan ni Honey. Ewan ko ba kung bakit ganun yung epekto niya sakin.
Napatingin saglit si Martin sa akin saka sinagot ang kaibigan "well, she's fine. She keeps on checking on me which I find annoying but yeah, Over all she's okay"
Annoying? Annoying sa kanya na chinecheck siya ng asawa niya? Eh ang swerte nga niya kung tutoosin eh kasi may nagchecheck pa sa kanya. Yung iba nga sila na lang nagchecheck sa sarili nila. Kagaya ko. Walang nag-aalala sakin. Walang nagchecheck sakin kung kamusta na ako? Kung okay lang ba ako? Tapos siya magrereklamo? Pasalamat nga siya na may Reese siya sa buhay niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagrarant ko nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko yun kinuha sa pouch ko. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Martin, excuse me lang ha? Sagutin ko lang tong tawag" tinangoan niya ako ng aking ulo. Narinig ko pa ang pagreklamo niya sa kaibigan na si John like bakit daw tinanong pa ni John si Martin about kay Reese eh nandun daw ako. I mean, Martin okay lang naman pag-usapan natin ang asawa mo. Walang problema sakin yun. Actually, makikinig talaga ako pag siya yung topic natin.
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Short StoryReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.