Pasulyap-sulyap ako kay Cheese. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bean bag habang nagbabasa ng libro.Kasalukuyan kaming nasa apartment ko. Pagkatapos kasi ng gulong nangyari sa bahay nila ay nagpasya si Cheese na umalis na lang kami sa bahay nila. Ayaw niya daw yung idea na nasa iisang bubong lang kami ng kuya Robin niya. Baka bastosin lang daw ako ulit.
Hindi ko naman namalayan na nakatingin na pala siya sakin.
"Yes, my love? What are you looking at?"
Iniling ko ang aking ulo "Ang sarap mo lang titigan"
"Tss. Bumanat ka pa talaga eh" tinuon niya ulit ang atensyon niya sa librong binabasa saka ulit natingin sa direksyon ko "okay. What does my beebee want, hmm" tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa bean bag saka nagtungo sa kinaroroonan ko. Nakaupo ako sa isang sofa. Umupo siya sa lap ko saka ako tinitigan sa mata "c'mon tell me. What's on your mind?"
"Iniisip ko lang kasi yung sinabi mo last time na hindi mo hahayaan na agawin na naman ni kuya Robin yung sayo. What does that mean?"
Iniwas niya ang paningin sakin. Nilalaro niya ngayon ang damit ko sa bandang leeg "Well, I had a girlfriend before, right? She left me because of him" she sighed "I didn't know that there's something going on between them behind my back. They betrayed me, Sean. She chose him over me. And hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung pati ikaw aagawin niya sakin"
I cupped her cheeks "hindi niya ako maaagaw sayo. Ikaw ang mahal ko"
"She loved me too but still chose him and left me"
"Hon, hindi ko magagawa sayo yun. Ibahin mo ko sa kanya. Mahal kita. Hindi mo naman kailangan maniwala sakin. Ang gusto ko lang magtiwala ka sakin"
"Natatakot lang ako, Sean"
"It's normal to feel that way. Ako din naman natatakot. Natatakot akong mawala ka sakin. Natatakot ako na baka isang araw magising ka na lang mahal mo pa din yung asawa mo at iwan mo ko dahil sa kanya"
Iniling niya ang kanyang ulo "I don't love him that much para balikan pa siya. Yes, I loved him but I didn't actually fell inlove with him"
"How about me? Mahal mo ba ako dahil mahal mo ko or mahal mo ko dahil nagagawa ko ang dapat ay ginagawa ng asawa mo?"
"Ano naman klaseng tanong yan, Sean? Pinagdududahan mo ba ang love ko para sayo?"
"No. Siyempre hindi. I'm just asking"
"Mahal kita kasi mahal kita, Sean. Yun ang totoo"
Kung mahal namin ang isa't isa dapat ay maging open kami. I need to tell her about her kuya Robin. Na naging kliente ko siya before pa man kami nagkakilala.
"I have to tell you something"
"What is it?"
"Uhmm...Wag ka sanang magalit pero kasi naging kliente ko ang kuya mo dati"
Tahimik lang niya akong tinitingnan sa mata.
Napabuntong siya ng kanyang hininga.
"Galit ka ba sakin?"
"Why would I get mad at you?"
"I don't know"
"That's all in the past unless you liked it and wanted to happen it again..."
I scoffed "are you serious? Bakit ko naman gugustuhing mangyari yun ulit lalo na't nagresign na ako bilang escort and I have you"
Napalaki naman ang mga mata niya "you what?"
I smiled at her "Umalis na ako sa trabaho ko. I want a brand new life with you, Cheese kaya iniwan ko ang pagiging escort. Gusto kong maging deserving sa pag-ibig mo"
Napangiti siya sakin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi "Thank you...pero alam mo naman diba na kahit escort ka, you still deserve my love kasi deserve mong mahalin, Sean. You deserve everything the world has to offer. Escort ka nung nahulog ako sayo, escort ka nung minahal kita at kahit ano ka pa mamahalin pa rin kita"
Nginitian ko siya "Kaya bagay sayong tawagin na Cheese eh. Cheesy mo kasi"
"Only for you, my love" hinalikan niya ako sa labi saka idinikit ang aming noo "Mahal kita, Mahal mo ko...don't you think it's time for us to you know, make love?"
"Pano kung sabihin kong hindi pa?"
"Seaaan..." she whined "don't you feel horny everytime na magkasama tayo? Kasi ako, nafufrustrate na ako kakacontrol sa hormones ko"
Natatawa ako sa kanya "Bakit ikaw lang ba nagkokontrol? Pati din naman ako ah"
"Oh yun naman pala. So, ano pang hinihintay natin?" She pouted her lips. Cute "don't you like this?" She started to grind herself on me habang nakagat labi pa siya. Okay, that's hot...
"I want it pero wag muna ngayon, okay? Kung magmemake love man tayo, I want it to be special"
She sighed "okay...I respect your decision pero wag mo kong pag hintayin ng matagal baka di ako makapagpigil, hmm...makikita mo"
"Ano, ha?" Kiniliti ko siya sa tagiliran niya.
"Stop" natatawa niyang sabi. Nakaupo pa rin siya sa lap ko. Both legs on the side.
She put her arms around my neck saka ako niyakap ng mahigpit habang nakarest ang ulo niya sa ulo ko. Niyakap ko din siya.
"Can we stay like this for awhile?" Tanong niya.
"Sure. Whatever my honey wants kung gusto mo nga forever na eh"
"I would love that"
We are just cuddling at that moment when suddenly we heard a knock from the door.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin saka kami nagkatinginan.
"Are you expecting someone?" Tanong niya.
"No"
"Let me go check it" umalis na siya sa lap ko pero bago pa man siya makaalis ng tuluyan ay hinalikan ko pa siya sa labi. Napangiti naman siya at agad na nagtungo sa pintoan para pagbuksan ang kung sino man ang nasa likod nito.
"Hi. Sino po sila?"
Dinig kong tanong niya sa kumatok sa pinto.
"Bee..." agad akong napalingon kay Cheese at nagulat sa taong nasa likod niya.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
"She said she's your mother kaya pinapasok ko siya" dinig kong sabi ni Cheese pero di ko siya pinansin. Nakatingin lang ako ng diretso sa taong nasa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Anak..." naiiyak niyang sambit "wala na ang papa mo" umiyak na siya ng tuluyan.
🖤
![](https://img.wattpad.com/cover/266214209-288-k383558.jpg)
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Historia CortaReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.