Sean's POVUmalis si Cheese at di ko alam kung saan siya nagpunta. Di naman niya sinabi sakin kung saan. Babalik lang daw siya after.
Ako lang mag-isa dito ngayon sa hospital kung saan ako nakaconfine.
Nakakapagod din humiga ng ilang araw. Gusto ko ng tumayo kaso di pa kaya ng katawan ko.
Sinabi din sakin ni Cheese na may nagbabantay na pulis sa labas ng kwarto ko kaya wala daw akong dapat ikabahala.
Tanging ingay ng machine lang ang naririnig ko dito sa kwarto ko. Wala naman kasing bibisita sakin eh wala naman na akong pamilya. Tanging si Cheese lang ang meron ako.
Bigla namang bumukas ang pintoan ng hospital room ko at iniluwa nito si Martin.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya.
"Hey, Sean." Bati niya "How's your stay here in the hospital? Nag-eenjoy ka ba?" He asked as he smirked.
"Anong ginagawa mo dito?"
Lumapit siya sakin habang tinetrace ang railings ng kama ko gamit ang daliri niya.
"Gusto ko lang naman bisitahin ang kabit ng asawa ko."
Kabit. Kahit kailan di ko ginustong maging kabit pero kung tatawagin lang din naman ako na kabit ng dahil kay Cheese, I mean why not?
Napangisi si Martin habang nakatingin sakin "That look so bad." He commented "I have to admit, mas lalo kang naging hot ng dahil sa mga pasa mo sa mukha."
"Anong kailangan mo, Martin. At tsaka pano ka nakapasok?" Pano siya nakapasok ganung may pulis sa labas na nakabantay.
Ang sabi din kasi sakin ni Cheese na if ever daw pupunta si Martin di siya makakapasok agad dahil pinagbilin niya sa pulis na wag ito papasukin.
"Nakapasok ako ng dahil sa pinto, Sean." Nagawa pa niyang magbiro.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Martin," sabi ko sa kanya "anong ginawa mo sa pulis?"
He sighed "Don't worry, Sean. Pinagkape ko lang ng saglit ang bantay mo."
Nilibot niya ang paningin sa kwarto ko "Mukhang wala ata dito ang pinakamamahal kong asawa ah," nalipat ang paningin niya sakin "Where did she go, huh?"
"I don't know. Di ko alam."
"Tama lang pala ang pagpunta ko dito. Walang sagabal sa plano ko." Seryoso niyang sabi sakin.
Anong plano naman ang sinasabi niya?
Nilapit niya ng bahagya ang upper body niya.
"Alam mo bang okay na kami ni Reese? Kaso bigla mo ulit yun sinira." He's looking at me like I'm a prey and he's a predator "You are really such a home wrecker, huh?"
"Di ako home wrecker. Bago pa man kayo maghiwalay ni Reese, matagal na kayong sira. Kaya wag mong isisi sakin ang isang bagay na ikaw naman ang may dahilan."
"There's nothing wrong in our relationship until you came, Sean!" He said with a gritted teeth.
I sighed.
![](https://img.wattpad.com/cover/266214209-288-k383558.jpg)
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
ContoReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.