Confession X

4K 193 29
                                    






Patuloy pa rin ang ulan. Malakas din ang kulob at kidlat.








Di ako makatulog. Naramdaman ko naman na may sumusundot sa likod ko.






"Sean" si Honey. Pabulong niyang tawag sakin. Sinundot niya ulit ang likod ko sabay tawag ulit sa pangalan ko "Sean" sundot ulit "are you awake?"







Bumuntong ako ng hininga bago siya hinarap. Di ko naman makita ang mukha niya dahil masyadong madilim sa kwarto "bakit?"






"Giniginaw ka ba?"








"Bakit?"






"Giniginaw kasi ako"






So anong gusto niyang gawin ko?





Bigla naman kaming natahimik na dalawa pero di yun nagtagal dahil agad din naman siya nagsalita.







"Sean?" tawag niya ulit sa pangalan ko.






"Hmm?"






"Can you hug me?"






Yayakap ako sa kanya? Uhm...






"O-okay" nautal pa ako. Tsk.





Agad niyang inilapit ang katawan sa akin saka ko pinuwesto ang braso ko sa ilalim ng ulo niya. Nakarest ang ulo niya sa dibdib ko habang nakayakap siya sa katawan ko. Inayos ko din yung kumot namin.






Namayani ulit ang katahimikan.







Medyo abnormal ngayon ang tibok ng puso ko. Sana di niya naririnig ang mabilis na tibok nito. Parang nasusuffocate ako dahil sa sobrang dikit ng katawan namin.







"Sean?"





Iba talaga ang dating sakin pag tinatawag niya ako sa pangalan ko.







"Hmm?"








"Tell me about yourself"







Ano to first day of school?







"Ano ibig mong sabihin?"






"I want to know my assisstant more"






Assisstant. Halos nakalimutan ko na na assisstant pala niya ako.







"Hindi pa ba sinabi ni Janet sayo lahat?"







"I told you, basic information lang kinuha ko sa kanya tungkol sayo. I want to know you more than those basic information"







"Ano bang gusto mong malaman?"








"Why did you become an escort?"







Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon