Nagising ako na may ngiti sa aking labi.Ang ganda ng gising ko lalo na pag tanggap ka ng mga taong nagmamahal sa mahal mo.
Nandito ako sa bahay nina Cheese. After kasi ng biglaang "meet the family" ay dito na kami dumiretso.
Di ko alam kung nasa apartment ko si mama pero magkikita din kami. At pag nagkita na kami sisiguraduhin ko na makukuha ko ang sagot sa kanya. Sa ngayon hahayaan ko munang maging masaya ang sarili ko kapiling si Cheese na ngayon ay mahimbing pa din ang tulog.
Hinalikan ko ang noo niya saka ako ngumiti.
"Maganda ba ang view?" nagulat naman ako bigla nang magsalita si Cheese habang nakapikit pa din ang kanyang mga mata.
Kanina pa ba siya gising? Napangiti ako sa kanya "nagsesleep talk ka ba o gising ka na talaga?"
"Anong gising? Tulog ako" mas lalo lang akong napangiti sa kanya. Baliw talaga ang isang to.
Napaisip tuloy ako kung ganito din ba siya kay Martin dati. Kasi kung oo, napakalaking tanga ni Martin para lokohin ang kagaya niya. Napakalaki ng sinayang niya sa buhay niya. Cheese is like an exotic food or animals kasi she's unique, one of a kind and rare to find.
Sorry na lang si Martin. Kung di niya kayang alagaan si Cheese, ako mag-aalaga sa kanya. I'll make her feel the love that she ever wanted to feel. Bibigay ko ang makakaya ko just to see her smile and happy. I'll satisfy her with her needs and wants. Magkukulang ako pero di ko hahayaan na maubos kami. I'll make sure na mapupuno siya ng pagmamahal ko.
Nakatitig lang ako sa mukha niya nang walang ano-ano ay iminulat niya ang kanyang mga mata.
"Di ka na nagsalita...ano iniisip mo?"
"Ikaw" diretso kong sagot. Eh siya naman talaga kasi ang iniisip ko.
"Ako? Bakit?"
"Mahal lang kasi kita kaya wala na akong ibang maisip kundi ikaw"
Napangiti siya sakin "ang aga-aga ang sweet natin ah? Baka naman gusto mo lang ng round 100?" biro niya.
"Grabe naman sa round 100..."
Natawa naman siya saka ako binigyan ng isang halik sa labi.
"Alam mo ba na mas masarap daw ang sex lalo na sa umaga?"
"Sino naman nagsabi nun?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Sabi nila"
"Naniwala ka naman?"
"Hindi. Pero maniniwala lang ako pag natry ko na yun" binigyan naman niya ako ng isang malokong ngiti.
"Ikaw andami mo talagang kalokohang nalalaman"
"Hindi kalokohan yan bee. Yun nga talaga sinabi nila" depensa niya.
"Eh parang ikaw ata may gusto ng round 100 ah?"
Natawa naman siya "hindi kaya. Nagtatanong lang naman eh kung alam mo yun pero kung gusto mo pwede naman nating itry para malaman natin kung totoo nga. Ano round 100?"
Natawa ako sa kanya "baliw ka talaga" napangiti siya sakin "ganito ka rin ba kakulit sa asawa mo dati lalo na pag tungkol sa sex?"
Nag-iba siya ng position ng pagkahiga. Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo.
"Well, sa totoo lang, iba ako pag siya ang kaharap ko parang di ako. Ang formal ko kasi pag siya ang kasama ko" napatingin siya sakin "pero sayo, I can be myself. My true self. Hindi ko alam kung bakit pero sayo lang ako ganito. Nailalabas ko ang totoong ako" napangiti ako sa kanya "teka nga...iniiba mo usapan eh"
"Hindi kaya. Nagtatanong lang ako"
"O, eh nasagot ko na. Beke nemen round 100..." loko talaga tong babaeng to.
Kaya round 100 kasi may nangyari na sa amin kagabi. Siyempre no details kasi samin na lang yun haha.
Naawa na kasi ako sa kanya dahil nagugutom na siya at gusto na niya akong kainin hahaha char lang. Ang totoo niyan kwentohan lang kami nung una hanggang sa naging mainit na ang paligid at napunta na nga kami dun. Just to clarify lang din, hindi kami umabot ng round 99 ha? Baka kasi isipin niyo na ganun eh, edi sana nasa heaven pa rin ako haha.
I started kissing her on her lips. We're still naked gawa nga na may nangyari samin kagabi. I averted my position kung kanina nasa gilid lang niya ako ngayon ay nasa ibabaw na niya ako. I positioned my thigh between hers. She moaned at the sudden contact. Hindi naman ako nagtagal sa ibabaw niya dahil nagpalit kami ng position. Ako na ngayon sa ilalim pero di ibig sabihin nun bottom ako ha? Gusto niya lang talagang pumaibabaw sakin kaya pinagbigyan ko na kahit ngayon man lang maging top siya hahaha.
Last night's love session, I did most of the performance. Siyempre escort ako. Gusto kong gawin sa kanya ang ginagawa ko sa mga kliente ko bilang escort. Ang pinagkaiba nga lang with love and care yung ginagawa ko sa kanya. Siyempre mahal ko siya kaya iniingatan ko talaga siya lalo na nung mga oras na may milagrong nagaganap. I made sure na hindi ako sumusobra, na okay lang sa kanya ang mga ginagawa ko.
We're in the middle of making out nang biglang bumukas ang pinto bg kwarto niya. Pareho kaming nagulat at agad naman niyang itinalukbong ang kumot sa aming dalawa.
"My dear sis—oopsie. Sabi ko nga mamaya na. Wala akong nakita. Bye" agad naman na sinara ni kuya Rico ang pintoan ng kwarto ni Cheese.
Pareho kaming nagpipigil ng tawa ni Cheese hanggang sa di na namin napigilan at napatawa na kami.
"That's so embarrassing" sabi ni Cheese habang natatawa pa din.
"Nakakahiya talaga. Nakita ba niya talaga tayo?" Tanong ko sa kanya.
"I think so"
"Ikaw kasi. Morning sex pa nga" sabi ko naman sa kanya na ikinatawa lang niya.
Inalis na niya ang kumot mula sa pagkakatalukbong sa katawan namin saka sabay kaming napatingin sa pintoan.
"Bakit kasi di mo nilock ang pinto?" Tanong ko sa kanya.
"Eh bakit parang kasalanan ko?"
"Di naman sa ganun" she smiled at me and kissed me again.
Bigla naman na may kumatok sa pintoan "Gays! Sorry to disturb you pero mamaya na yan! Bangon na daw kayo sabi ni momshie. Ready na BF!" Sigaw ni kuya Rico sa labas ng kwarto.
Natawa na lang kami ulit ni Cheese saka nagpasyang bumangon, magbihis at mag-ayos ng sarili bago bumaba ng kusina.
"Mamaya na round 100 bee ha? Kain muna tayo"
Sabi ni Cheese na ikinailing ko naman ng aking ulo. Ang kulit din ng isang to haha.
🖤
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Short StoryReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.