Confession XXXIII

2.5K 120 8
                                    




Reese's POV




Sean has been arrested ng dahil sa isang krimen na di naman niya ginawa.





She told me na baka naframe up siya.




She even mentioned Martin's name to the police just because her mother told her so.






Hindi naman sa hindi ako naniniwala kay Sean. But it's impossible for me to believe that Martin could actually do something bad. I mean cheating is bad but doing a crime is way more bad.







Hindi ko binisita si Sean sa presinto. Sinadya ko talaga yun since ayoko siyang nakikita na nandun sa loob, nahihirapan. At medyo nahihirapan din ako na makalusot kag Martin.






Ilang linggo na siyang nandun and ilang linggo na din ang nakalipas since napagpasiyahan kong makipag-ayos kay Martin.





Nakipagbalikan ako sa kanya not because I still love him. Nakipagbalikan ako for Sean. It's all about Sean. It's all because of Sean.






I have to do this. Kailangan kong makipagbalikan kay Martin to gain his trust at para malaman na din kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya. I wanted some proof.






If Sean's mother mentioned Martin's name, then there's definitely something to know about it. Kasi hindi naman babanggitin ng mother ni Sean ang pangalan ni Martin unless kilala niya.






"Babe, where you going?"





Napalingon ako kay Martin na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape.





We're living in the same roof again. Although ayoko pero kailangan kong magtiis. Titiisin ko hanggang sa may makuha na akong ebidensya. I hope na tama tong ginagawa ko. Sana lang talaga worth it ang plano ko. Sana lang din ay maintindihan ni Sean ang mga ginagawa ko kasi para naman sa kanya to.





Maybe some of you are doubting my love for Sean but I really love that woman. I'd do anything for her kahit na ikapahamak ko. She's one of a kind and I will cherish her for life.







"Uhm...magkikita kami ni kuya Rico, yeah." Pagdadahilan ko.






Napaangat siya ng tingin sakin "san naman kayo magkikita?"





I mentally rolled my eyes. Kailangan ba talaga alamin bawat galaw ko? "Sa favorite kong restaurant, remember that one?" Tanong ko sa kanya.







"Yeah, of course!"






"Can I go now?"






"Sure"




Paalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako.






"Yes?"






Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Binitawan niya ang diyaryo na hawak niya saka ako nilapitan.






He puts his both hands on my cheek.






"You don't have any idea how happy I am now that we are back together" he smiled at me "Thank you for giving me a second chance, babe. Ngayon wala ng sagabal sa relasyon natin even that b*tch"







Nagpanting naman ang tenga ko nang marinig ko yun. Who the hell is he to talk sh*t about my Sean? He has no right to say things like that sa mahal ko. Pasalamat siya may misyon akong kailangang matapos at yun ay ang makakuha ng ebidensya. Hindi ako titigil hanggang sa may makuha akong ebidensya na magpapatunay na magkakilala ang mother ni Sean tsaka si Martin. At pag nagkataon na magkakilala nga sila, lilinisin ko ang pangalan ni Sean at sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng kung sino man ang may sala ang krimeng nagawa niya.







Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon