Nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Magkikita daw kami ni Cheese.Umorder muna ako ng isang chocolate drink ng sa ganun di ako mabored kakahintay hehe.
Tiningnan ko ang relo ko. Ilang minuto na lang andito na si Cheese. Excited akong makita siya.
"Sean?" Napaangat ako ng aking ulo. Si Martin.
"Martin! Anong ginagawa mo dito?"
"Napadaan lang. Bibili kasi ako ng coffee"
"Ah..."
"Eh, ikaw? Mukhang may inaantay ka ah? Hulaan ko...si Honey no?"
Bahagya akong natawa. Ang galing palang manghula to "Pano mo nahulaan yun?"
Nagkibit lang siya ng kanyang balikat "ah. Sandali lang ha? Punta lang muna ako ng counter"
Tamang tama naman na nasa counter si Martin nang dumating si Cheese.
"Hey, bee" bati sakin ni Cheese.
"Cheese..."
"O, bakit ganyan ang mukha mo?" Nakangiting tanong sakin ni Cheese "para kang nakakita ng multo. Magandang multo" natawa siya sa sinabi niya.
"Babe?"
Naputol naman ang pagtawa ni Cheese nang lingonin niya ang tumawag sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Martin kay Cheese. Ibinaling naman ni Martin ang paningin sakin "you're waiting for Honey, right?" Napalaki ng mata si Martin nang mapagtanto niya na si Reese at Honey ay iisa "Wait...matagal na kayong magkakilala? Pano?"
Tumayo naman si Cheese saka nilapitan ang asawa "Martin, let me explain"
"Explain what?" Napatayo na din ako. Napatingin ulit sakin si Martin "Kaya ba ayaw mo ng makipag-usap sakin dahil nilalandi mo ang asawa ko? Escort ka nga talaga! Di ka na nakuntento sa isa! Malandi ka!" Nagulat naman ako ng sampalin siya ni Cheese.
May mga nakatingin na rin sa direksyon namin.
"Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Sean. Oo! Escort siya pero hindi siya malandi!"
"Kinakampihan mo ba yang babaeng yan? Di mo ba nakikita? Try to think of it. Sinisira niya tayo. Hindi lang ako ang nilandi niya pati ikaw. She's trying to destroy us!"
"She's not Martin! Bago pa man dumating sa buhay natin si Sean, matagal na tayong sira!"
Napakunot ng noo si Martin "What are you talking about?"
"Akala mo ba di ko alam ang mga pangbabae mo? Ang panloloko mo sakin?" Di naman makapaniwala si Martin sa sinabi ni Cheese "I know all of it, Martin"
"So, ano? Nakipagsex ka sa isang escort dahil nalaman mong nangbababae ako? Hanggang sa nahulog ka na sa kanya?"
"I hired Sean to do something for me at yun ay ang akitin ka. Di naman ako nadisappoint kasi kumagat ka din agad sa kanya"
"Bakit? Akala mo ba ako lang ang kumagat? Kumagat din siya"
"That's part of the plan" sabi ni Cheese. Andami na talagang tumitingin samin. Nakakahiya na dito pa kami nagkabistohan sa loob ng coffee shop.
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Short StoryReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.