Reese's Confession

4.1K 197 12
                                    



When I first met you, I admit, nagandahan ako sayo.





Tama nga si Janet sa pagpili sayo as one of the most attractive and seductive escort girl kasi even me nabighani mo.





I'm sorry kung iniwan kita ng walang paalam nung una nating pagkikita. Hindi ko lang kasi alam kung ano ang ginagawa ko. May hinala ako na niloloko ako ng asawa ko and the only thing I can prove myself na tama nga ang hinala ko ay to hire an escort and that escort is you.





Sorry din kung dinadamay pa kita sa problema ko sa asawa ko at kailangan mo pa siyang akitin.




Sa ilang araw nating pag-uusap ay naging komportable agad ako sayo. I wanted to know you more that's why nagtanong tanong ako kay Janet tungkol sayo.





Gusto kitang tulungan by offering you a job. Aaminin ko medyo nandiri ako sayo nung sinabi mong you do bj and handjob sa client mo. I can't even do that to my husband tapos ikaw kung kani-kanino mo yun ginagawa.






Tinatawag mo akong honey which I find sweet and cute hehe. Nung time na may business trip ang asawa ko sa batanes. Pinapunta kita dun but knowing your fear of riding a plane ay nagbook din ako ng same flight.





I thought at first responsibilidad kita kaya ayaw kong may mangyari sayo or mapahamak ka but when we were in batanes...Dun ko narealize na higit pa sa responsibilidad ang ginagawa ko sayo cause I'm actually doing it just for you. I'm doing it for myself.




Aaminin ko, nagselos ako nung mga time na nag-uusap kayo ni Gino sa damuhan. Busy ako sa pagseselfie nung makita ko sa likod ng camera ko ang mga ngiti mo habang kausap siya. That's why I decided na lumapit sa inyo nun at pumagitna sa inyo. Ayokong may mamuong tensyon between you and him.





Nung araw na bumagsak ang malakas na ulan at kinailangan natin magpalipas ng gabi sa isang Airbnb, yun ang unang beses na yinakap kita at ang unang beses na nahalikan kita. Sinampal mo pa nga ang bibig ko haha. You told me also na you don't kiss your client. Di ko to natanong sayo but I want to believe na ako yung first kiss mo kung di man, eh ako pa din yung first kiss mo sa babae haha.




Bumili tayo ng masusuot mo para sa party na pupuntahan mo kasama ang asawa ko kinabukasan. Ang ganda ng suot mo nung araw na yun. Nagiging feeling maganda ka na nga dahil ang sabi mo halos lahat sa party napapatingin sayo.




Tinawagan kita kasi ang totoo niyan namimiss kitang kasama. Panay din ang text ko sayo. Hindi ka na kasi nag-uupdate sakin. Hanggang sa nakatulog ako at tumawag ka naman. Sinungitan pa kita kasi inistorbo mo ang tulog ko pero part of me was happy kasi finally napansin mo din ang mga text ko sayo.





Nagworry naman ako nung sinabi mong you're at Martin's place. Andaming tumakbo sa isip ko na baka may mangyari na ng tuluyan sa inyo. Thinking of it make me sick. Hindi ko kayang pakinggan ang sasabihin mo kung sakali man na may nangyari sayo.





Hindi ako makatulog nung gabing yun kaya I decided to wait for you outside.




Andaming lamok. Pero keri lang hihintayin pa rin kita dito.




Napansin ko naman na may kotseng paparating kaya bahagya akong nagtago para di ako makita ng asawa ko.






I was fuming of anger nang makita kong hinalikan ka ni Martin sa pisngi. Hindi naman tayo but that night I felt like I've been cheated by you. I should feel that to my husband kasi asawa ko siya but no.




Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon