Confession XXXVIII

3.1K 141 13
                                    




Ilang weeks akong namalagi sa hospital. Ilang weeks din akong nagtiis dun. Nakakamiss din ang amoy ng apartment ko. Nakakamiss kumain ng mga pagkain na di galing sa hospital haha.






Natawa nga sakin si Cheese para daw kasi akong patay gutom kung kumain. Eh bakit ba? Namiss ko kumain ng mga pagkaing gusto ko eh.




Umaandar na rin ang kaso ni Martin laban sa pagpatay sa nanay ko at sa pag-utos sa mga preso dun na saktan at abusohin ako. May mga witness at ebidensya na magpapatunay na siya nga ang may kagagawan ng lahat.





Galit ako ng ikwento sakin ni Cheese na si Martin ang may kagagawan ng lahat ng pasakit ko sa loob ng kulungan.





Wala siyang puso para gawin yun sakin. Kung sa tingin niya talaga na inagaw ko ang asawa niya pwes nagkakamali siya. Wala akong inagaw sa kanya. Kusa akong pinili ni Cheese at kusa niya akong minahal.






"Hmm. Lalim na naman ng iniisip mo? Mabuti sana kung ako yan..." sabi niya habang paakyat ng kama ko. Mahihimigan mo na parang nagtatampo siya. Eto talagang Cheese ko matampohin.




Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko namalayan na nakalabas na siya ng bathroom at andito na siya sa kama katabi ko.





Nakasandal ako sa headboard ng aking kama. Niyakap naman niya ako habang nakarest ang ulo sa balikat ko.






"Namiss kita bee." Sambit niya sa mahinang boses.





"Namiss mo ko? Eh halos magkasama tayo sa hospital araw-araw." Sabi ko naman sa kanya na nakangiti pa.






"Eh, araw-araw kitang namimiss eh bakit ba?" Mataray niyang sagot.






"Ikaw talaga." Sabi ko lang sa kanya "Namimiss ko yung Montessori. Namimiss ko sina Mother at Sisters dun. Yung mga bata," napangiti naman ako ng maalala ko si Hope "lalo na si baby Hopey."





Napatingala siya ng kanyang ulo "Grabe, love no? Sila namimiss mo ako hindi? Alam mo minsan nagseselos na ako kay baby Hope ha? Buti pa siya nasa isip mo, naaalala mo. Eh pusta ko di mo ko naiisip. Hmp. Nakakatampo ka na ha?"




Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya saka siya mahigpit na niyakap na parang nanggigigil.






"Hmmmmm...alam mo ikaw kung ano-ano iniisip mo." I kissed her in her forehead "Siyempre, naiisip kita all the time."





"Maniwala ako diyan." Reklamo niya.





"Totoo nga kasi. Never kang umalis sa isipan ko ha?"





"Sus!"





Naku mukhang ayaw talaga maniwala ng babaeng to.




"Wag mo na pagselosan si baby Hope, okay?" Sabi ko sa kanya "Pambihira ka, pati bata pinagseselosan mo." Natatawa kong sabi.





"Eh, bakit ba? Mahal kita kaya nagseselos ako. Gusto ko sakin lang atensyon at oras mo."





"As I've said, bata lang si Hope. Don't worry di ako maagaw nun sayo." Natatawa pa rin ako. Kasi naman eh, ang cute lang niya. Pagselosan ba naman ang bata.





She pouted her lips kaya hinalikan ko siya.




"Wag ka na magtampo, hmm?"





Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon