Nandito kami ngayon sa Honesty Store.Kailangan mong maging honest dito. Bawal ang sinungaling. Kasalukuyan akong tumitingin sa mga paninda nang sumulpot bigla sa tabi ko si Honey.
"Why did you tell Gino about Martin being here?" tanong niya sa mahinang boses. Kahit mahina ang tono ng boses niya alam ko na naiinis siya sakin dahil sinabi ko kay Gino na nandito si Martin.
Masyadong malapit ang mukha niya sakin kaya bahagya kong inilayo ang sarili ko sa kanya "uhm...sorry, di ko alam na hindi pala pwedeng sabihin"
"Di mo man lang ba naisip na pwede niyang icontact si Martin para makipagkita and if that happens sasabihin ni Gino kay Martin na andito ako at malalaman ng asawa ko na magkakilala tayo" oo nga no. Di ko man lang naisip yun. Ang tanga ko talaga "Good thing nakaisip ako kaagad ng ideya" agad akong napatingin sa kanya. Ano naman kaya ang ideya niya?
Kasalukuyan siyang kumukuha ng candy "anong ideya?"
"Na kaya ako nandito dahil gusto kong isorpresa si Martin..." napatingin siya sakin yung seryoso "na kaya kita isinama dito to help me surprise him. Pasalamat ka na lang at bumenta yung alibi ko"
"Sorry" tanging sabi ko.
Napabuntong siya ng kanyang hininga "just get what you want. Ako na bahala magbayad"
Palagi na lang niya akong binibilhan or nililibre. Di naman sa di ko afford. Siyempre may pera naman ako kahit papano.
"Wala akong gusto..."
"Are you sure?" Tinangoan ko lang siya "look, I'm not mad kung yun ang iniisip mo, okay?"
"Okay"
Sabay na kaming lumabas ng store. Nag-aantay naman samin si Gino.
"Ready na kayo sa next na pupuntahan natin?" Tanong niya sa amin ni Cheese habang papalapit kami sa kanya.
Pumunta kaming tukon church. We stayed there for awhile bago kami umalis at nag-roadtrip.
Naramdaman ko naman ang paglipat ng kamay ni Cheese sa bewang ko saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Nakahawak lang siya sa damit ko.
Napalunok naman ako ng aking laway ng dahil sa gesture niya na yun.
After namin mamasyal sa buong lugar ay napagpasyahan na naming umuwi. Habang nasa biyahe ay bigla na lang kumulog at sa di inaasahan ay bumuhos ang malakas na ulan.
Napagpasiyahan naman namin na huminto sa isang bahay na yari sa bato. Nagbabaka sakali na pasilongin kami.
Masyadong malakas ang ulan. Basang basa na din kami.
Dinala kami ng nasilongan naming bahay sa kabilang bahay. AirBnB daw yun at saktong dalawa ang room dun. Share kami ng room ni Cheese samantalang sa kabilang room naman si Gino. Dito na daw muna kami magpalipas ng gabi dahil sa umaga pa daw titila ang ulan ayon sa balita. Sinabihan din kami ng lalaki na if nagugutom daw kami ay tumawag lang kami gamit ang telepono at sila na daw bahala sa pagkain namin.

BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Short StoryReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.