"Ano? Bakit ko naman siya patitirahin dito?""Bakit hindi? Nanay mo pa rin yan" kontra ni cheese.
Halos bulungan namin ni Cheese baka kasi marinig ni mama since studio room nga tong apartment ko.
Gusto ni Cheese na patirahin ko si mama dito sa bahay. Wala na daw kasi si papa at yung bahay ibinayad niya daw sa utang nila kaya wala na daw siyang matirhan. Wala na rin daw siyang pera panggastos kaya nagpasya siyang lumapit sakin. Di ko nga alam kung pano niya ako natagpuan.
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa kamay nila ni papa, Cheese"
"I know. Alam kong masama ang loob mo sa kanila dahil sa pang-aabuso nila sayo pero alam ko din na mabuti kang tao. Hindi mo naman hahayaan ang mama mo na palaboy-laboy sa daan, diba?"
"Kinokonsensya mo ba ako?"
"Hindi" mabilis niyang iniling ang kanyang ulo "I was just trying to convince niyo na dito mo na muna patirahin ang mama mo"
"Pano kung gawin niya sa akin ulit yung ginawa niya dati? Pano kung saktan niya ako ulit?"
Kinuha niya ang kamay ko para hawakan "I'm here. Kung gusto mo dito na rin ako magstay habang nandito siya ng sa ganun di ka niya magalaw" nginitian niya ako sabay taas baba ng kilay niya "How's that sound?"
"Sounds like pinag-isipan ng mabuti" she slightly chuckled.
"Asus. Gusto mo rin naman na nandito ako eh" tukso niya sakin.
"Mas gusto kong andito ka kung wala si mama..."
Binigyan naman niya ako ng isang nakakalokong tingin. Ano na naman kaya iniisip nitong babaeng to.
"Okay, ganito na lang. You let her stay here for the meantime tapos habang andito siya maghahanap tayo ng pwede niyang malipatan. Okay, ba yun?"
"Okay" nginitian niya ako saka inilagay ang kamay niya sa baba ko saka ito pinisil.
"Hmm! I love you" gigil niyang sabi sa mahinang boses. Napangiti na lang ako sa kanya.
"Anak, pwede akong makahingi ng tubig?" Sabay kaming napalingon ni Cheese sa kinaroroonan ng mama ko.
Pasagot na sana ako ng magsalita si Cheese sa tabi ko "ako na"
Sinundan ko lang siya ng tingin. Kumuha siya ng tubig sa ref at isinalin ito sa baso. Iniabot niya ang tubig kay mama.
"Salamat. Kaibigan ka ba ng anak ko?"
"Uhm..." napalingon saglit si Cheese sa akin. Bahagya kong iniling ang aking ulo pero nginitian niya lang ako saka ibinalik ang paningin kay mama "ang totoo po niyan, girlfriend po ako ng anak niyo"
Nabulunan naman si mama "Girlfriend? As in jowa?" Di makapaniwalang tanong ni mama.
"Opo"
Napatingin si mama sa kinaroroonan ko "kailan ka pa naging tomboy?"
"Simula po nung nakilala niya ako" sagot naman ni Cheese na nakangiti pa. Napasapo na lang ako ng aking noo.
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
ContoReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.