Confession XXVII

2.9K 136 16
                                    







"Alycia Anne?"






Napatingin ako kay Cheese.






"Sino si Alycia Anne?"







"Real name ko" tanging sagot ko sa kanya.







"Akala ko ba Sean ang pangalan mo?"






"Sorry kung di ko nasabi sayo. Hindi ko na kasi ginagamit ang pangalan ko na yan simula nung umalis ako sa puder nila mama" paliwanag ko.








"So bakit Sean?"







"Alycia Anne. Pagtinanggal mo ang Aly sa first name ko magiging Cia Anne na lang. Kaya naging Sean dahil dun"









Napatango naman siya ng kanyang ulo "talino mo naman. Naisip mo pa yun" napangiti na lang ako sa kanya.






Napatingin ako dun sa pisngi niya na nasampal ni mama. Medyo namumula siya "masakit ba ang sampal ni mama?"







Napahawak siya sa pisngi niya "Anong masakit? Mas masakit pa nga yung batok mo sakin minsan" natatawa na lang ako sa kanya "Wala to, okay? Parang sampal lang eh"





"Sorry. Nadamay ka pa sa pananakit ni mama"





"Bee, wag ka ngang magsorry. Alam mo ikaw napapansin ko sayo. Sorry ka ng sorry"






"Sorry naman"




"Oh. Sorry ulit?" She rolled her eyes on me.





"Sorry...ay sor-I mean, okay" napangiti naman siya.





Nagpatuloy lang kami sa pagkain na inorder namin. Pumunta din kami sa inasalan para bumili ng adidas since di pa daw siya kumakain nun.






At first nag-iinarte pa siya pero di kalaunan ay kinain din niya. Nasarapan naman daw siya sabi niya haha. Tinry niya din ang ibang binebenta sa ihawan.








"Thank you, bee" bigla niyang sabi habang hinihintay namin maluto ang isaw na binili niya. Pang-ilang isaw niya na to actually.






"Para saan?" Tanong ko habang ngumunguya pa.







"Sa food. Nakikita ko lang to dati pero never akong nagdare na tikman ang mga to. But since mahal kita, I want to try those things na natry mo na. Gusto kong maexperience yung mga bagay na naexperience mo na siyempre maliban sa pagiging escort"





Natawa naman ako sa kanya "kumain ka na nga lang, oh" sinubuan ko na lang siya ng buttered corn na may cheese on top.





Napatakip siya ng kanyang bibig gamit ang kamay niya. Ang elegante naman talaga kumain eh hehe.




"Ganda, pang-ilang isaw niyo na to ah" sabi ng lalaking nag-iihaw ng inorder namin na isaw. Parang kasing edad lang namin tong lalaki na to at kanina ko pa actually napapansin na panay ang tingin niya kay Cheese.





Di ko naman siya masisisi eh maganda si Cheese. Ayoko lang nung way ng pagkakatingin niya sa honey ko.




Nginitian lang niya yung guy.






"I want more" tukoy niya sa mais kaya naman sinubuan ko ulit siya. Napansin ko ulit na napatingin ang lalaki samin.




Nakatitig lang si Cheese sakin nung mga oras na yun habang nginunguya niya ang kinakaing mais at ganun din ako.






Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon