Letter #3 - Regret

1.1K 56 24
                                    

Dearest Baby Girl,

How I wish I could tell you that I was the one who paid for your mother's hospital bills. Iyong minsang dinala mo siya sa ospital nang gabing dapat sana ay magkikita tayo sa Sunken Garden. Wala akong kaalam-alam tungkol doon. But it made me feel good to know there was a good Samaritan who helped you out. I would feel very bad at this point if I knew you got a huge bill to pay and I did nothing to help you out. Alam mo naman siguro kung ano ang ginawa ko noon kung nalaman ko ang sitwasyon mo. Kahit hindi mo ako payagan, gagawa ako ng paraan kung nalaman kung naospital ang mama mo't wala kayong pambayad. Hindi ba't lagi naman akong nag-aalok ng tulong pinansiyal sa iyo? Iyon nga lang, ni isa sa naging alok ko wala kang tinanggap. That was one side of you that made me really respect you. Hindi ka kasi nag-take advantage sa sitwasyon natin. At that time, you could ask for the moon and I would readily give it to you even if it means I have to sell my vital organs just to give you what you wanted. Haha! Ganoon kita ka mahal, baby girl. Pero palagay ko nga hindi mo masyadong naintindihan iyon noon.

Habang binabalikan ko ang mga binabanggit mo rito sa sulat, naluluha ako. I could feel your pain. Pakiramdam ko tuloy I was a useless boyfriend. Hindi ko masyadong natulungan ang babaeng pinakamamahal ko. That made me so sad.

Naalala ko noon, pumasok ka ng school na nanlalalim ang mga mata. Tinanong kita kung bakit. Ang sabi mo lang nag-aral ka sa econ for the long exam. Huli na nang malaman kong nagpuyat ka sa kababantay sa mama mo sa ospital. Kung hindi ko pa inusisa ang mga kaibigan mo, hindi ko pa nalaman ang toto. Sana, kung hinayaan mo akong tumulong sa iyo noon, naibsan kahit papaano ang suffering mo. As I have always told you, hindi ko na kailangan pang manghingi sa mga magulang ko ng pera pantulong sa iyo kung nanghingi ka. My monthly allowance was more than enough. If only you had let me help you...

Nang malaman ko rito sa sulat na lumipat nga kayo sa mas mabuting tahanan, it made me feel a bit okay. Ang barung-barong n'yo kasi sa kabilang baranggay ay sobrang luma at marupok na. Nang binisita kita roon noon nasabi ko nga sa iyo na gusto kitang ilipat ng townhouse agad-agad. Sana hinayaan mo ako noon. At sana pinilit kita hanggang sa pumayag ka. Alam mo bang kung ilang gabi ring hindi ako pinatulog ng imahe ng inyong pamamahay? When I got home after visiting you there, nakonsensya ako sa lahat ng tini-take ko for granted. Sampong ulit kasing mas malaki ang banyo ko kaysa sa barung-barong n'yo. Ang isa pang inaalala ko noon ay ang bali-balita na may susunog sa area na iyon doon. When I heard the news about the first fire that broke out in your neighborhood, I panicked. Buti na lang kasama sa balita kung ano ang nangyari sa mga residente. Nang malaman kong walang casualty ang nasabing sunog, saka lang ako nakahinga nang maluwag.

I went to your barung-barong many times then after our first break up. Pero wala na kayo roon. Nagtanong ako sa mga kapitbahay mo, wala rin silang alam. Nalungkot ako nang sobra. Hinanap kita kung saan-saan. Pati sa probinsiya ng mga lolo't lola mo sa Mindanao. But I didn't find you. Kung alam ko lang na nasa kabilang barangay lang kayo lumipat, I would have visited you there right away.

May punto ka ngang magduda na may taong nagbigay nang kusa ng bahay na iyon for you and your mom. Hindi nga naman logical na hindi naghabol ang sinasabi mong swapang mong mga kapamilya. I wish I could say I bought it for you, baby girl. Pero thankful ako na mayroon uling nagmalasakit sa inyo at nagbigay no'n. Di hamak naman kasing habitable ang nilipatan ninyo kaysa sa tinitiis ninyo noon sa dati n'yong tahanan.

Grabe ngayon ang pagsisisi ko na hindi ako gumawa ng mas matinding hakbang to be with you. Dapat sana ay hindi ako nagpadala sa pride ko noon. Dapat sinuyo pa kita. Kaso---I was also prideful then. Nang ilang beses mong tinanggihan ang alok kong magtanan tayo, nawalan na ako ng pag-asa. Naisip ko lang na you did not love me enough to spend the rest of your life with me.

I was a fool, baby girl. How could I doubted what you felt for me? Dapat alam ko iyon. Una sa lahat, binigay mo sa akin ang lahat-lahat nang walang pag-aalinlangan. That would have been enough proof. But I was so full of myself. Naging selfish ako masyado. Mas inuna kong intindihin ang nasugatan kong pride kaysa ang habulin ka't suyuin.

Tama nga ang propesor natin sa Humanities noon. It's too painful to live with regret. Ang dami kong pagkukulang sa iyo. And I think I will regret not doing enough for you for the rest of my life.

I love you. You will always be my dearest baby girl. I miss you so much!

Your Big Daddy,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon