Letter #5 - Treasured Days

587 47 16
                                    

Dearest Baby Girl,

I have to admit, I broke down when I read your letter about your first and last dinner with my parents and me. Iniyakan ko iyong part kung saan nanghinayang ka sa tira nating food tapos inisip mong sana ay pinabalot ko na lang iyon para sa iyo. But at the same time, this letter also made me feel good. Tama lang pala ang ginawa ko no'n na nagpasadya talaga akong magpaluto sa chef namin for you and your mother. It made me feel good that I was able to do something special for you kahit sa maliit na bagay lang.

To be honest, Baby Girl, this letter somehow gave me a mixed feeling. Nalungkot ako na natuwa na nainis din sa sarili. There were so many things I just took for granted na kailangan mo palang paghirapan. Iyong pagkaing sarap na sarap ka pala ay siya namang hindi ko binibigyang-pansin. In fact, nagtalo kami ni Mom that day. I felt the foods were not enough. Inisip ko pang tila tinipid niya ang hapag-kainan dahil ikaw ang bisita namin. Kaya nang mabasa ko ang parteng ito ng sulat mo, tumulo talaga ang luha ko. Hindi ko napigilan.

Nainis din ako nang mabasa ang impresyon mo sa mga magulang ko. Hindi ko ikinairita ang honest opinion mo about my mom. Tingin ko you were very observant here. Ang ikinainisan ko ay hindi ikaw kundi parents ko mismo. I felt it, too. Hindi lang ako nagsalita noon. Kaya siguro napansin mong hindi ako masyadong kumikibo while we were eating.

I thought when I introduced you to them as my fiancee ay naisahan natin sila. Na mapipilitan na silang bigyan tayo ng blessing dahil mayroon na tayong kasunduan. Ito ang kamalian ko. Hindi sumagi sa isipan kong kaya akong tikisin ng mga taong mahal ko. Inisip ko noon na kung makita nila kung gaano kita ka mahal at kung gaano mo ako ka mahal, they will give in to us. Nilansi lang pala nila tayo. Ang naive natin pareho to believe in their goodness.

Alam mo ba na nagkaroon talaga ng lamat ang tinginan naming magpamilya because of you? Because of how they treated you? Nakarating din kasi sa akin ang balita na minata ka ni Mom kahit na hindi mo sinabi noon. Ang dami ko yatang eyes and ears on campus. Though this may be too late na for an apology, gusto kong malaman mo saan ka man naroroon na hinihingi ko ng tawad ang pagmamalabis ng mommy ko sa iyo. I will forever apologize to you for that, Baby Girl. Sana mapatawad mo siya---kami na nagbigay sa iyo ng sobra-sobrang pasakit.

"Ano raw ang sinisinghot-singhot ko?" tanong ng aking panganay. Naabutan niya akong nagpapahid ng mga luha habang nagbabasa ng isa sa mga liham mo sa study room ko. Of course, I denied that I cried. But I guess, he knew though he didn't insist on it. Binigyan lang ako ng maiinom. Baka kailangan ko raw mag-shot ng vodka.

By the way, my son's name is Luke. Hindi ko ginamit ang napagkasunduan nating pangalan for our child when we were daydreaming about out future family in Sunken Garden. Para sa akin kasi, ang pangalang Ador o Mario na galing sa pangalan mo ay para lamang sa anak natin talaga. Though I love my son Luke so much, there's that part of me that still looked for a piece of you. Wish ko pa rin na sana ay mayroon tayong anak. Iba kasi iyong galing talaga sa iyo.

Fate is cruel to us. Pinagtagpo nga tayo---we felt right for each other, pero hindi naman tayo binigyan ng pagkakataong mamuhay nang magkasama. Ang ikli nga ng pinagsamahan nating kung tutuusin. Pero alam mo, those days I spent with you were my most treasured days. Iniingatan ko pa rin sa puso ko ang alaala mo. Mahal pa rin kita, Baby Girl!

It made me smile to see your letters ending with, "Your baby girl". Haha! Indeed. You will always be my baby girl now and forever and I will always be your Big Daddy as well...

I love you!

Your Big Daddy,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon