Dear Baby Girl,
Nanggaling na kami ni Estong sa bahay ng mga Sandoval. I had high hopes lalo pa nang makita ko ang mag-asawa. Tama nga ang aking imbestigador. They both looked odd to be Engineer Sandoval's real parents. Tama nga namang hindi nila totoong anak ang bata. Inamin agad nila. Kaso inampon daw nila ito mula sa isang kamag-anak. They showed me the pictures of his real parents. May hawig nga silang tatlo.
Sobra akong na-disappoint sa natuklasan ko. Nalaglag talaga ang mga balikat ko. Umasa na kasi akong matutuldukan na ang matagal ko nang paghahanap sa ating panganay. False alarm lang pala. Nahiya tuloy ako sa batang iyon. Naabutan niya kami sa kanila. He was a bit shocked to see us there. When his parents explained to him what we came for, he smiled at me. Then, he said he was very flattered na pinagkamalan ko siyang siya ang nawawala kong anak. At the same time, nagpahayag din siya ng pagka-asiwa lalo pa't isa siya sa mga inhinyerong may hawak ng pinakamalaki naming proyekto sa Pilipinas. Ang kagandahan lang ng lahat ng ito ay napag-alaman kong anak mo nga si Rona. Aalamin ko na lang kung totoo ang kutob kong anak ko rin siya. Somehow, may nakikita pa rin akong liwanag sa buong pangyayari.
Oo nga pala, Lily has been kind of sad lately. Bakit daw tila nauubos na ang oras ko sa paghahanap sa anak natin? Saka bakit daw kailangan ko pang ipa-DNA si Rona? Wala raw ba akong tiwala sa iyo? Kung sinabi mong hindi ko siya anak, bilang naging nobyo mo noon, dapat daw na alam kong nagsasabi ka nang totoo.
May punto siya. Kaso nga lang, I am desperate. Parang hindi ako kontento sa kuwento mong namatay ang ating bunso. Gusto kong isiping buhay siya at si Rona nga iyon. Hindi na ako makapaghintay na maipa-DNA ko siya. Ang problema ko na lang ay kung paano ko mapapayag ang anak mo sa aking kagustuhan.
In a way ay nabigyan ko ng hint si Luke na incestuous ang relasyon nila ni Rona. Hindi niya ito nagustuhan. Kung anu-ano na raw ang naiisip ko sa kababasa ng mga liham mo. Bakit hindi ko na lang daw tanggapin na wala ka na at tuluyan nang mag-move on. Tapos sinabi niya sa aking medyo nagtatampo siya. Kasi raw mukhang mas lamang ang pagmamahal ko sa inyong mag-ina---sa iyo at kay Baby Tanglaw kaysa sa kanila ng kanyang kapatid. I have to reassure him again and again na magkaiba ang nararamdaman ko sa inyo. Hindi na siya nagsalita pa pero alam kong nagdaramdam siya sa akin.
Gaya ng aking kutob, hindi nagustuhan ng anak mo ang kagustuhan kong ipa-DNA siya. Sinagot pa akong ayaw na ayaw niyang maging anak ko. Kahit kailan! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan na sa kabila ng pinaggagawa sa inyo ng Damian na iyon, mukhang siya pa rin ang piniling ama ng iyong unica hija.
Sumasakit ang aking sentido sa mga pangyayaring ito at sa kaiisip kung nasaan ang ating panganay. I am losing hope. But then again, I felt he's just somewhere near. Kailangan ko pang maghanap. Lahat na lang ng may pangalang Ricardo Sandoval ay pina-imbestigahan ko. Pero nagkaroon ng complications. Mayroong nakatunog na nagpapahanap ang isang Greg Santillan ng nawawala niyang anak. Dinagsa kami ng mga nagsasabing may alam daw sa totoong kinaroroonan ng ating anak. Marami rin ang lumapit kay Estong at nagsabing sila na raw ang nawawala nating anak. You wouldn't believe it, baby girl! There were many of them who looked kind of funny. At tila nainsulto rin ako nang nagpumilit sila na sila na nga raw ang hinahanap kong nawawala nating anak. Mantakin mong ang daming may makakapal na apog? Halos nakadapa na ang ilong at kay iitim pa tapos magsasabing anak daw natin? Buti sana kung hindi ko kilala ang pamilya mo. Sino ang lolokohin nila? Your family may be poor, but none of your close relatives that I know of was dark and had a flat nose. Kahit ang sinasabi mong panget mong ama---iyong dating mayor ng Manila. Hindi lang proportional ang facial features but he had an aquiline nose, too. Saka hindi rin siya kaitiman.
I know, I know. Naririnig ko na ang tawa mong may dalang sermon. Hindi ako dapat nanlalait ng kapwa. Hindi ko lang maiwasan, mahal ko. Pasensya na.
Sige, baby girl. Ipapahinga ko na muna ang pagod kong utak. But don't worry. Hindi ako titigil hangga't hindi ko natatagpuan ang tunay na Ricardo Sandoval na dati nating Baby Tanglaw.
I love you.
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomansGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...