Letter #13 - Damian

368 38 8
                                    

Dearest Baby Girl,

Damian. Damn!

Alam kong sa puntong ito ng buhay mo, wala na akong karapatan pang pagselosan ang lalaking naging karamay mo sa iyong paghihirap. But fvck! I couldn't help myself from getting angry. Hindi ako galit sa iyo, pero inaamin kong nanggagalaiti ako sa Damian na iyon. Ngunit alam ko ring wala akong karapatan. Basketball player din ba kamo siya? Well, sa totoo lang, wala akong naalala. Perhaps, he was not good at all. Don't get me wrong, baby. Hindi ko iyon sinasabi dahil nagseselos ako. Kilala mo naman ako. Hindi ako nakakalimot sa mga naging katunggali kong tumalo sa amin noon. Naalala kong minsa'y natalo nga kami ng koponan nila, but I only remembered one name. And it was not his. Kaya sigurado, bench boy iyan. Haha!

Nanikip ang dibdib ko nang mabasa kong nagpakasal pa kayo ng hinayupak sa huwes. I just reminded myself na hindi nga dapat ako nagkakaganito dahil mas masahol pa rito ang nagawa ko. I am trying my best to look at this objectively, pero nadadala pa rin ako ng aking damdamin. Hindi pa rin naiibsan ang galit ko. I couldn't even imagine you and him in an intimate moment without my blood boiling. Napapapukpok pa ako sa mesa ko nang ilang beses. Pasensya na. You could still make me jealous as hell.

On a good note, ang nagpapasaya lang sa akin sa liham mong ito ay ang nahahalata kong pagsibol ng magandang relasyon n'yo ng iyong ina. Alam ko kasing ever since ay hindi kayo magkasundo o malapit sa isa't isa. Palagi na lang kasi ay inaangilan ka at sinisisi sa kanyang paghihirap.

When you mentioned your mom kissed you after knowing that you found a man who may be able to give you a family, I cried. It could have been me if I were not stupid enough to fall prey for my dad's manipualtion. Nabuhay na naman ang pagkasuklam ko kina Dad at Mom. My only consolation at this point was that guy made you happy. He gave you what I was not able to give you. He helped you build a relationship with your mother. For that, kahit may pagkasuklam sa puso ko dahil pakiramdam ko'y pinakialaman niya ang dapat ay akin lamang, I am grateful. Marunong din naman akong magpasalamat sa taong nagbigay sa iyo ng kasiyan, baby girl.

Alam kong matagal nang maysakit ang mama mo, pero na-shock pa rin ako nang mabasang hindi siya nagtagal para masaksihan niya ang iyong naging buhay sa lalaking iyon. At this point, I hugged you in my head. How I wish naramdaman mo iyon. Pero at least, kahit namaalam siya agad, naging masaya naman siya, di ba? Iiyak na naman sana ako dahil dito para sa iyo, but when I read what you said about your feelings for me, I felt so ecstatic. Para na naman akong school boy na binati ng crush niya. My children would probably cringe if they heard me said that.

Hanggang sa muli, mahal kong reyna. I miss you!

Your Big Daddy,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon