Dear Baby Girl,
The first thing I did when I got to Norway was asked around kung ano ang ginagawa ni Engineer Sandoval doon. Napag-alaman kong may offer sa kanyang work mula sa sister company ng Sky Builders sa Oslo. Siya raw ang napiling mamuno sa isang malaking proyekto doon kasama ang isang Norwegian group of engineers. Hindi pa ako sigurado kung akin siya, but my heart was bursting with pride. Isipin mo iyon? Isang kababayan natin at maaari ko pang kadugo ang napili na isa sa mamuno sa isang Norwegian project.
After years of living in Norway, napag-alaman ko na although Norwegians may be one of the fairest countries when it comes to treating people from diverse backgrounds, mas nangingibabaw pa rin ang preference nila sa kanilang kalahi when it comes to construction work. Iyong sa upper echelon sa industriyang ito, ha? Kaya nang mabalitaan kong they had no problems choosing Engineer Sandoval over other Norwegian candidates, napa-wow ako sa batang ito.
Dahil kilala ko ang may-ari ng sister company nila sa Oslo, I put in some good words for him. Sinabi ko lang na he used to work for our project in Manila and he was really good. Ikinatuwa iyon ng may-ari at nasabi pa sa akin ang details ng itinerary ng bata nang linggong iyon. Hindi ako nagpahalata na atat akong malaman kung anu-ano ang pinagkakaabalahan niya at nang mapagplanuhan ko ang kunwari'y accidental meeting namin. Heto nga at nandito ako sa Red Cross Mobile Clinic sa tapat ng Smestad Hotel, a few minutes away from Oslo. Dito siya at magdo-donate raw ng dugo. Hindi ako mahilig mag-donate ng dugo, pero gusto kong may acceptable excuse ako kung bakit nandito din ako.
Kanina ko pa siya naispatan. Among the blond guys surrounding us, ang dali niyang makita. Bukod sa iba ang tindig niya sa karamihan--- matikas, maganda ang postura, katamataman lang ang laki ng katawan, he is darker than most at siya lang ang nakikita kong may black hair. Kinukuhanan ako ng BP nang mapadaan siya sa tabi ko. Gulat na gulat siya. Of course, I have to fake my surprise, too. He laughed and he sounded like he was so happy to see me. Tapos na siya at mayroon siyang hawak na card nang lumapit sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maispatan ko ang blood type niya sa papel. He is also a Type O! Sa pagkakatanda ko, Type O ka rin at Type O din ako! At kung parehong Type O ang mga magulang ng bata, ganoon din siya unless there's some kind of genetic mutation.
Dahil bigla akong napasinghap sa excitement, tumaas ang BP ko. Nakita kong napasimangot ang nurse at pinagpahinga muna ako sa isang tabi. Ganunpaman, kahit naka-ilang minuto nang pahinga ay hindi pa rin bumababa ang pulse rate at BP ko. Pinayuhan akong bumalik na lang muna sa hotel ko at magpahinga. Saka na lang daw ako mag-donate kung okay na ang aking pakiramdam.
Wala akong pagsidlan ng tuwa sa munting impormasyong ito. Although siyempre hindi naman talaga conclusive ang blood type para sa pagtukoy ng paternity ng bata. Kailangan pa rin naming mag-pa-DNA. Nag-isip ako ng paraan kung paano iyon maungkat sa kanya. Mabuti't pumayag siya to have dinner with me. May chance ako para masabi iyon sa kanya.
Naghihintay kami sa inorder naming food sa isang restaurant malapit sa tinutuluyan niyang hotel sa downtown Oslo nang bigla na lang may lumapit sa aking kakilala. Si Mr. Andersen. He used to work for our sister company in Copenhagen. Pagkakita kay Rick Sandoval bigla na lang itong binati at tinanong kung siya na raw ba ang magpapatakbo sa negosyo namin sa siyudad? Buti naman daw at napapayag ko siya. Mabilis niyang kinorek si Mr. Andersen na hindi ko siya anak. The latter seemed confused kaya ako na ang nagpaliwanag ng sitwasyon namin. Humingi siya ng paumanhin sa akin. But deep inside, I was very happy.
Nang makaalis si Mr. Andersen, siya na ang nagsabi sa akin na hindi lang daw ang matandang iyon ang lumapit at nagkamali. May iba pa raw. In fact, ang may-ari raw ng pinagtatrabahuhan niyang kompanya ngayon sa Oslo ay inakalang anak ko rin siya. So I have to explain to him na kilala ko iyon. At sinabi ko na sa kanya ang minungkahi ko rin noon. Sa mabilisang salita ay kinuwento pa kita. Then, I told him about the vendor who was selling banana cues in front of his school before. Hindi na niya naaalala ang parteng iyon. Marami raw siyang nakasalamuha noong vendors dahil ever since naman daw ay pinamulat sa kanya ng nakagisnang mga magulang na maging mabait sa lahat regardless of their status in life. Kung sa bagay ang tagal na nga noon, mahal ko. Baka nga masyado mo lamang nabigyan ng kulay ang kabaitan ng bata dahil iniisip mong anak mo siya kung kaya nasabi mong naramdaman din ng Ricardong iyon ang lukso ng dugo. Maaari ring ibang Ricardo ang kaharap mo noon sa Rick na kausap ko ngayon. But just the same, sabi ko sa kanya, para matapos na ang lahat ay magpa-DNA test na lang kami.
He smiled. I was speechless for a moment. Ngayon lang siya nangiti na may kasamang lungkot. And when he did, I saw you! Yes, baby girl. I saw your smile in his smile! Hindi ko alam kung dahil sa pagnanais ko lang na matagpuan na ang ating panganay. But I saw you in him!
When he said, 'Okay, let's do it," naluha ako. Sa harap ng maraming tao sa restaurant, hindi ko napigilan ang mga luha ko. I wept like a child! I was happy. Sabi ko kung ano man ang resulta ng DNA, at least matutuldukan na ang mga hinala ko about him.
I will keep you posted my love. I am hoping na sa susunod kong sulat ay good news na ang mababasa mo rito.
I love you. NOW AND FOREVER.
Your Big Daddy,
Greg
P.S. Pasensya na sa sulat-kamay ko rito. Hindi ko napigilan ang sariling magsulat habang nasa banyo siya. Kanina rin habang nagpapahinga ako dahil tumaas ang BP ko sa excitement, I was not able to stop myself from talking to you through this letter. Haha! I guess, I am the same old, Greg. Hindi makapaghintay basta excited. I miss you. And I love you.
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...