Dearest Baby Girl,
Of all your letters so far, your 26th was the hardest to finish. Kada linya ay napapaluha ako nang sobra. Kailangan ko pang tumigil sandali bago magpatuloy. At sa bawat tigil ay kinailangan ko pang ilabas ang aking saloobin sa pamamagitan din ng isang liham. I feel the urge to answer you every now and then. Iyon lamang ang paraan para mailabas ko rin ang matagal ko nang kinimkim na sakit at hinanakit ng ating paghihiwalay.
Hindi ako makapaniwala nang banggitin mong nagkaroon tayo ng panibagong supling! Napanganga ako talaga. I was shocked beyond words could describe. Kinailangan ko pang ulit-ulitin ang parteng iyon para mapaniwalaan ko na hindi iyon isang guni-guni lamang. I was too into why you did not come to our redezvous that I failed to notice the little hints that you were throwing here and there regarding our bunso. For a while, napatayo ako at nagpalakad-lakad. Nakaramdam pa ako ng kirot sa dibdib at inakala kong inatake na ako sa puso. Hindi ko nakayanan ang sakit at pag-uusig ng budhi kung kaya napaluhod lamang ako sa sahig at napahikbing parang bata. Ganoon ako naabutan ng aking bunso---ang little girl namin ni Lily, sa aking opisina.
Oo. Mayroon akong dalawang anak. Ang panganay ko ay si Luke. Lagi ko siyang nababanggit sa mga sulat ko sa iyo. Ang aking bunso ay si ---but I secretly call her Isa. Nobody knew I call her that. Only her. It's our little secret. She just thought it meant 'one' because I have taught her how to count in Filipino. She does not need to know that I secretly wish she was yours, too. I know, I know, baby girl. But I do not think Lily would mind so there's nothing to worry about.
Sinag. You did not mention if our bunso is a girl or a boy, but why do I have a feeling that she is a princess? Napapabuntong-hininga ako sa puntong ito. Gustung-gusto ko sanang hilahin pabalik sa nakaraan ang panahon. How I wished I could give you my tightest hug to make you feel loved and secured. At sana maaari kong bigwasan ang Damian na iyon for hurting you deeply as well. Ngunit kapag naiisip ko iyon, inuusig din ako ng aking konsensya. Kung mayroon mang nanakit sa iyo nang mas matindi, siguradong hindi ang lalaking iyon. I should have punched myself instead.
I love you still, baby girl. I will always tell you that until my last breath. I-LOVE-YOU!
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...