Dear Baby Girl,
Tanggap ko na sanang hindi ko anak si Rona, pero may binalita si Estong na sobrang nagpagimbal sa akin. I was shocked to the core! Mali raw ang unang result ng DNA test na natanggap namin. Anak ko raw talaga si Rona! Anak ko rin ang bunso mo!
Hindi ako nakapagsalita agad when Estong broke the news to me. Kahit nang ibalandra na niya ang papel na nagpapatunay na totoong positive ang resultang kadugo ko si Rona, hindi pa rin ako makapaniwala. This is great news! Gusto kong maghumiyaw sa tuwa, but then when I turned my head and saw my son, Luke almost in tears, natigilan ako sa pagdiriwang. Parang hiniwa rin ang puso ko nang makitang nanlumo siya nang sobra to the point na napaluha pa.
I wanted to comfort him at sabihing okay lang ang lahat, maraming babae sa paligid pero he left without saying a word to me. Alam kong galit na naman siya sa akin. Nag-usap na kasi kami na if ever mapatunayan kong anak ko si Rona tigilan na niya ito. He didn't promise anything, pero nasabi ko sa kanya na I will do everything in my power to stop their relationship. Ang sagwa. Sobrang sagwa! It's incestuous!
Lily was not happy about the news. But she didn't voice out her opinion about it. She simply asked to be excused. Lumabas siya ng bahay at pumunta sa hardin. Nakita kong nagboluntaryo siyang siya na ang gumawa ng gawain ng hardinero. She trimmed our nonflowering plants pati na ang mga pine trees sa paligid nito. I also wanted to comfort her at sabihing hindi mababago ang tungkol sa mamanahing negosyo ng mga anak namin. Sila pa rin ang priority. But I want everyone to give some room for my little girl. Knowing Rona, hindi naman ito mang-aagaw nang sobra sa nararapat. She has your genes. Nasisiguro kong she's a reasonable woman.
To be honest, I am not worried about my children. Alam kong kagaya ni Rona ay reasonable din sila pareho. I am sure they would be willing to share what they have with their long, lost sister. Ang number one on my list of worries ay si Luke at ang damdamin nito sa anak natin. Habang pinagbabawalan siya rito, parang lalong tumitigas ang ulo. Hindi ko alam kung totoong ganoon nga ka lalim ang nararamdaman niya kay Rona, pero may ugali kasi ang batang ito na kapag pinipigilan sa isang bagay ay lalo nitong ia-assert sa amin ng mommy niya. I'm worried about what he is up to.
But of course, despite these worries, I am deliriously happy! Masaya na ako sanang natagpuan ko ang iyong dugo't laman kahit na hindi siya akin. Pero ngayong napag-alaman kong nanggaling din pala siya sa akin ay hindi mailalarawan ang aking nadarama. Daig ko pa ang naka-jackpot prize sa lotto. Haha!
I told Estong to tell the driver we will go see Rona right away. Tumalima naman ito agad. Pero bago iyon, he suggested I call her first. Which I did. Habang kinakausap ni Estong ang driver ko, tinawagan ko ang ating bunso. Napag-alaman kong natanggap na rin niya ang panibagong resulta ng DNA test namin at hindi niya iyon nagustuhan. I cannot forget how angry she was. While she was yelling at me on the phone, she was crying at the same time. Nagulat ako sa reaksyon niya at nanlumo na rin. Imagine, I pictured this happy scene in my head for weeks now after discovering her existence. Inisip ko na matutuwa siya upon learning that the most prominent businessman in the country is her father, pero kabaliktaran ang natanggap kong reaksiyon niya. She would rather have that bastard who neglected her when she was a child to be her father! I was beyond insulted. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam.
Masayang-masaya ako kanina, baby girl, pero ngayo'y na-question ko na ang lahat. Kung ang kasiyahan ko ay katumbas ng pagdurusa ng dalawang pusong nagmamahalan, parang---I am guilty again. Nasisi ko na naman ang aking sarili. Am I selfish? Kung ikaw sa katayuan ko, what would you do?
Hindi nga natuloy ang pagbisita namin kay Rona. Sinabi kasi nito sa akin sa phone na hinding-hindi siya magpapakita sa akin kailanman. At bilang patunay na seryoso siya sa sinabi, bumitaw siya as an architect for our project. Lalong naging komplikado ang lahat. I just hope and pray na magbabago ang kanyang isipan about this. I really, really want her to keep the job.
I love you, my sweet baby girl. And thank you for the priceless gift. J
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...