Letter #8 - Baby plus one

585 49 13
                                    

Dearest Baby Girl,

Unang talata pa lang ng liham mong pang-dalawampo ay pinangiliran na ako ng luha. Nai-imagine ko ang epekto ng wedding picture namin sa iyo. Kung sa akin kasi nangyari iyon ay baka hindi ko nakayanan. Sa totoo lang, pinag-awayan namin ni Dad iyan. Ayaw na ayaw ko sanang malathala pa iyon knowing that I have not explained myself to you yet at that time. Ang akala ko nga ay hindi na iyon natuloy dahil somehow Dad promised me he wouldn't do anything that displeases me after I married the girl he wanted me to settle down with. Hindi ko alam na walang isang salita ang father ko. Na ang importante lang sa kanya ay masunod ang kanyang kagustuhan. I'm so sorry, my dearest baby girl. Hanggang langit ang paghingi ko sa iyo ng paumanhin. Kilala mo ako. Hindi ko magagawa sa iyo iyon kung ako lamang ang masusunod --- kung hindi ako nilansi ng mga magulang ko. Pasensya na dahil kahit na ilang beses nila akong niloko kapag nagsusumamo sila't nangangako sa akin, lagi nila akong napapaniwala. Gano'n talaga siguro kapag tapat mong minahal ang parents mo sa kabila ng lahat.

I have to admit, may naramdaman akong selos nang may mabanggit kang lalaki sa liham na ito. Hindi ko na natatandaan ang sinasabi mong kaibigan, pero may naramdaman akong kaunting inis sa kanya nang mabanggit mong hinanapan ka pala ng lalaking papalit sa akin sa puso mo. Alam kong wala akong karapatang magselos o pigilan ka no'n kung nalaman ko dahil mayroon na rin akong asawa, pero natitiyak kong magwawala ang puso ko no'n kung napag-alaman ko iyon noon. Tawagin mo na akong selfish, ngunit ganoon siguro ang aking magiging reaksiyon. Although of course, I wouln't stop you from pursuing a relationship with the guy if you loved him truly. Siguro, kahit masakit ay tatanggapin ko nang lubusan.

Grabe ang kaba ng dibdib ko nang mabasa kong hinimatay ka. Naalala ko kasi noong college tayo ay putlain ka talaga. I even remembered one time na nag-collapse ka dahil sa init at sa kakulangan mo sa hemoglobin. Naisip ko agad na baka nagkasakit ka nang malubha nang dahil sa pasakit na dulot ko. Lalo sana akong na-guilty. But then the second line of that paragraph made my heart palpitates in excitement. Oh my God! If you were pregnant at that time, I'm pretty sure it was mine!

I jumped for joy when I read the entire thing about your pregnancy. Nabuntis nga kita! Oh my God! You just didn't know how happy you just made me. Grabe ang saya ko, baby girl. Ilang beses kong inulit-ulit ang mga talatang isinulat mo tungkol sa iyong pagbubuntis. Gusto kong makasigurado na totoo nga ang aking nabasa at hindi lamang dahil sa masidhi kong kagustuhan na sana'y nagkaroon man lamang tayo ng anak.

Tumulo na nang tuluyan ang luha ko nang mabasa kong inisip mo sanang ipagbigay-alam sa akin ang kalagayan mo. Tama ka na nasa Oslo na ako nang mga sandaling ito. Pero kahit na gano'n pa man, kung napag-alaman ko ang kalagayan mo, sigurado akong tinalikuran ko lahat para sa inyong mag-ina. Siguro nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob. Siguro isinugal ko ang kalagayan ng aking ina. Marahil kahit alam kong ikamamatay niya iyon dahil mayroon na siyang malubhang sakit sa puso no'n, baka nakalimutan ko iyon para sa inyo ng anak natin.

I felt like punching somebody now. Hindi ka pinapasok sa gate namin? Minata ka pa ng gwardiya? Bullshit! Kung nandito pa sana ang hayop na iyon ngayon, siguradong pinasisante ko na iyon ora-orada. Punyeta! Nanginginig ako sa galit sa puntong ito ng liham mo.

Hindi lang pala ang gwardiya ang nagmalabis sa iyo noon. Pati ang mommy. Oh God! Hindi ko inisip na nagawa sa akin ng mommy iyon. I thought between her and dad, siya ang mas kakampi ko. Alam pala niyang nabuntis kita?! And she didn't tell me about it?!

Nagulat si Luke, ang panganay ko kay Lily, nang napasukan niya akong nagpapahid na naman ng luha. He asked me what was wrong. Nang hindi ako nagpaliwanag, hindi naman namilit. May pag-uusapan sana kami tungkol sa pinatatayo naming bagong hotel sa Singapore, pero he left my study. He gave me some privacy. Iyan ang nagustuhan ko sa batang iyan. He is sensitive. He knows when his presence is not needed.

Ilang beses akong napatayo at nagpaikot-ikot sa study room ko matapos kong mabasa ang liham mo na ito. Napasuntok pa ako sa wooden desk ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Mom. Saka grabe ang guilt ko ngayon. Tama pala ang instinct ko noon. Naisip ko kasing magpakalalaki na't balikan ka whether you would accept me right away or not. Na liligawan kitang muli at hihintayin kung kailan mo ako sasagutin. Dapat pala sinunod ko ang dikta ng aking budhi. Dapat naisip ko pala ang possibility na baka nabuntis kita. I was so selfish. A brat. Hinayaan kong lumaki ang tampo ko sa iyo nang dahil hindi ka sumama noon nang niyaya kitang magtanan na lang tayo.

Yes, I haven't forgotten about that moment in Sunken Garden when you told me that you were not really pregnant. Na false alarm lang lahat. Sobra akong na-disappoint no'n. Kasi if you were, baka hindi ko nirespeto ang kagustuhan mong maghintay pa tayo---baka pinilit kita---no, baka kinidnap na kita. Haha!Tama ka. Naiba nga sana ang kuwento nating dalawa.

Kinakabahan na tuloy ako ngayon para kay Luke. Sino ang anak natin?

Your baby plus one. Bumalon ang luha ko rito.

Your Big Daddy,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon