Dear Baby Girl,
I was stunned beyond any words can describe! I couldn't believe the woman I started hating was your own flesh and blood! I was shocked when I saw your portrait at her apartment today. I nearly broke down. Tama pala ang unang kutob ko. Siya ang iyong anak! Ang aking tokaya! Pero bakit hindi na siya si Ronaldhina Gregoria? Hindi ba't iyon ang pinangalan mo sa kanya?
Seeing her kanina with your photos on her wall, naisip ko agad, bakit hindi ko na-recognize ang mga mata niyang parang mga mata mo rin noon? I was consumed by my hatred for her. Hindi ko tuloy nakita ang similarity n'yong dalawa. Isa rin marahil sa nanlansi sa akin ay ang kanyang ugali. Iba siya sa iyo, baby girl. You were sweet as sugar, siya nama'y parang---pinaglihi mo ba iyon sa ampalaya? Haha! I was just joking.
Ngayong alam ko nang anak mo siya, the more na tumitindi ang paniniwala kong anak ko rin siya. Isipin mo, ha? Nabanggit mo sa sulat na ang iyong unica hija ay mahilig sa architecture simula bata pa. Well, naging ganap nga siyang architect. And a very good one at that! Kung iyong natatandaan, hindi ba't kahit na nasa business ang course ko noon, hindi nawala ang hilig ko sa pagdidisenyo ng bahay? Ano ang ibig sabihin no'n?
Napapangiti na ako sa puntong ito. Nang binalikan ko ang sulat mo kung saan nabanggit mong kinokolekta pa ni Rona ang mga larawan ng aking gusali, lalo akong kinukutuban. Baka this is not mere coincidence. Namamana raw kasi ang hilig sa isang bagay. Ibig sabihin, malaki ang possibility na anak ko rin siya! At pag nagkataon, incestuous ang relationship nila ni Luke! No! Hindi ako makapapayag. I have to do something about it. Kailangan maputol ang kahibangan ng anak ko sa sa anak mo---natin!
Hindi ko nagawang komprontahin si Rona about Luke kanina. Paano ko magagawa iyon knowing that she's your beloved daughter and could be mine, too? Kung hindi lang awkward, nayakap ko sana siya. Naunahan lang ako ng hiya. Siyempre, nakilala na niya ako bilang istriktong ama ni Luke. Saka hindi ako sanay magpakita ng kahinaan sa isang tao na hindi ko kapalagayang-loob kahit na may posibilidad na ito'y dugo ko't laman.
Paano nga kaya kung siya'y akin? Sorry kung paulit-ulit ako, baby girl. Hindi lang ako mapalagay. I have been wondering about it since I saw your portrait at sabihin niya sa akin na ika'y kanyang ina. For a moment, hinintay kong sabihin niya kanina na nasa loob ka lang ng isang silid doon at nagpapahinga. I felt your presence in the house. Hindi ko alam kung bakit. Although alam kong wala ka na, something inside me told me that you could be just somewhere, breathing. Paano nga kaya kung totoo ang kutob ko?
The visit kind of took me by surprise and had made me question what I was told in the cover letter that accompanied the box with your love notes. Parang ayaw ko nang paniwalaan tuloy na wala ka na. I need to go back to your old neighborhood. Iyan lamang ang tanging makakapagsabi sa akin kung totoong wala ka na nga.
Malaki ang posibilidad na totoo ang nilalaman ng kalakip na sulat na pinadala sa akin ng babaeng pinagkatiwalaan mo kamo sa mga liham mo sa akin, subalit nangangarap at umaasa pa rin ang puso ko na sana ay matagpuan pa rin kitang humihinga sa luma n'yong barung-barong.
Mahal na mahal pa rin kita, baby girl. And I miss you so much!
Your Big Daddy forever,
Greg
P.S. Don't worry. Hindi ko nakakalimutan ang isa ko pang misyon---ang hanapin ang ating panganay.
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...