Dearest Baby Girl,
It feels so good to read how you reacted to seeing me again after a long time. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya noong magpakita ka sa akin sa hotel na iyon. Hindi na ako nakapag-isip pa. Sinamantala ko ang pagkakataon. Pasensya na.
All these years, I thought, inisip mong nagsamantala ako sa naging kapusukan mo noon. Biruin mo kasing pagkakita ko sa iyo ay inaya agad kitang sumama sa akin. Ni hindi ko na nga naitanong kung mayroon ka nang asawa no'n. Nag-assume lang ako na malaya ka pa rin. Na ako lang ang may asawa sa ating dalawa. Though I hated myself for cheating on Lily with you, I have to admit I also did not regret being intimate with you at that time kasi no'n pala nabuo ang ating panganay. Naluluha nga ako just thinking about it. Muntik na kasing hindi na naman iyon natuloy. On our way to my former bachelor's pad, inusig ako ng konsensya ko. I thought about my wife, too. Pero naisip ko rin na kung tutuusin mas may karapatan ka sa akin. Dahil ikaw naman talaga ang nauna. Ikaw naman talaga ang balak kong pakasalan ever since.
Nang hindi ka sumipot sa tagpuan natin no'n, naisip kong napagtanto mong hindi tayo dapat magsama dahil may asawa na ako. Knowing you, naisip ko no'n, hindi malayong mangyari iyon. You had always been considerate of other people's feelings. Sabi ko, na-realize mo sigurong hindi mo kayang saktan nang gano'n ang asawa ko kahit na alam mong hindi naman namin talaga ginusto ang aming pagpapakasal. Hindi ko sukat-akalain na hinarang ka pala ni Lily. Nang mabasa ko ito sa unang pagkakataon, nagalit ako sa kanya. I even confronted her. Hindi naman ikinaila. Humingi pa siya ng paumanhin. Nang ma-realize kong wala akong karapatang sumbatan siya tungkol dito dahil technically may karapatan naman siyang gawin iyon, hindi ko na ipinagpatuloy ang panunumbat. Bagkus, ako pa ang humingi ng tawad. As I have told you before, Lily is kind. She stopped me from apologizing. Wala raw akong dapat ihingi ng tawad sa kanya dahil naiintindihan niya ang lahat.
Akala ko'y doon na matatapos ang usapin namin tungkol sa iyo. Hindi pala. May pinakita siya sa aking dokumento. Nagulat ako. Ang buong akala ko'y sina Mom and Dad ang nagregalo sa inyo ng bahay. Hindi pala! Si Lily ang bumili ng bahay ng mga lolo't lola mo sa kabilang barangay nang may malipatan kayo. Narinig niya raw kasi sa usapan ng mga magulang namin na may pinaplanong masama ang may-ari ng lupa sa area na kinatitirikan ng inyong barung-barong. Nang mapag-alaman daw niyang may napasunog na ang may-ari sa inyong barangay, dali-dali niyang inasikaso ang paglilipatan n'yo. And she said she did it for me a para na rin sa alaala ng kanyang namatay na nobyong si Johan. Hindi ko siya nabanggit sa iyo. Lily and Johan were supposed to get married, too. Ngunit dahil sa manipulation ng mga magulang namin, hindi sila natuloy. Iyong ang iniisip niyang dahilan kung bakit kinitil ni Johan ang kanyang buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala na aksidente lang ang nangyari sa kanyang nobyo. Skilled skier daw kasi iyon. Kaya malayong mangyari na ikamamatay daw nito ang nangyaring aksidente sa ski resort kung saan natagpuan ang bangkay nito. If you happen to see a handsome, blond guy in heaven, hug him for my wife. She will really appreciate it.
Lily is happy know that her small gesture had made your lives a little bit comfortable. Masaya rin siya na nakaligtas kayo sa ilang sunod na nangyari sa dati ninyong baranggay. Kung nagkataon at nasama kayo sa mga nalapnos ang katawan dahil sa malakihang sunog a few months after you moved, baka hindi ko nakayanan ang balita.
Now it makes sense. Dahil sadyang napakahirap paniwalaan na magagawan kayo ng pabor ng mga magulang ko knowing how they reacted to our relationship. Tama nga pala ang gut-feeling ko. Wala silang kinalaman sa natanggap n'yong regalo.
Sana hindi mo pagselosan si Lily. I have learned to love her, yeah. But I have never been in love with her. It has always been you, my love.
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...