Dearest Baby Girl,
Oo, tandang-tanda ko ang araw na pinagtabuyan mo ako when I visited you at work. Grabe ang sakit na naramdaman ko noon. Call me presumptuous, pero nang araw na iyon ay inasahan kong salubungin mo ako ng mainit na yakap. Akala ko kasi ay naipaintindi ko sa iyo nang maigi na ikaw lamang ang mahal ko at mamahalin kailanman kahit na nagpakasal na ako sa iba. Kasi ang nasa isip ko, hindi naman ako ang nag-cheat sa iyo. Hindi ko gusto ang nangyari. Katunayan ay nilabanan ko pa. Kaya nga ang nasa isip ko no'n ay makikipag-cooperate ka to think of ways kung paano natin malulusutan ang kinasasangkutan ko noon. But when you did not allow me to explain at first, nang basta mo na lang akong itinaboy ay nasaktan talaga ako.
When tears welled up in my eyes, hindi iyon drama. Nahiya nga ako na nakita mo ako in my most vulnerable state, pero hindi ko napigilan. Sadyang malakas ang dating ng frustration, lungkot, at disappointment all at the same time. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. I felt so helpless.
Pumunta ako sa work mo no'n para sunduin ka. Para hindi ka na iuwi sa inyo kailanman. Nakahanda na akong makipagtanan sa iyo. Wala na akong pakialam sa gagawin ng mga magulang ko. Naubos na ang pasensya at tiwala ko sa kanila dahil sa ginawa nilang panlalansi sa akin. Biruin mo, sinabi nilang magbabakasyon lang kami sa Norway nang Disyembreng iyon at samahan ko lang si Dad mag-ski tapos ibibigay niya ang pinakahihiling ko? Iyon pala, that was just a bluff.
Oo, nag-away kami no'n pagkatapos. Pero hindi totoong magbabarilan kami. Who said that to you? Those bastards? Haha! They were exaggerating! Si Dad lang ang may hawak ng baril. Ako'y walang armas. Hinarap ko lang siya. Nagkasagutan kami nang dahil sa iyo. Hayun, tinutukan niya ako ng baril. Handang-handa na akong mamatay no'n. Kaso hindi rin niya itinuloy. Nobody tried to stop him. Siya lang ang kusang bumaba ng baril niya.
I do not really consider myself as lucky to have a father like mine. Masyadong controlling si Dad. Because he grew up with nothing, he was obsessed with money and status. I hated him for his ambition. Palagay ko nga, he was never happy with Mom but because my mother gave him what he aspired in life, pumayag na rin siya sa lahat. Grabe ang pagtitiis niya. I do not think he ever cheated on Mom. Kasi parte iyon ng kasunduan nila ni Lolo, ang maternal grandfather ko. Sa oras kasi na madiskubre siyang niloloko niya ang mommy ko ay tatanggalan siya ng mana at posisyon sa kompanya. I was told by all his comrades that he was very faithful to mom. And they all praised him for that. Kung alam lang nila.
Ang mommy ko naman, tingin ko naging miserable rin siya sa buhay. She had a boyfriend once. Tingin ko iyon ang mas gusto niya. But the guy came from a family of soldiers. Walang pera. Wala ring alam sa negosyo ang lalaki. Because mom was also scared to be left with nothing, sumunod din siya sa grandparents ko. So you see, my old folks were so materialistic. Pera at estado sa buhay lang ang mahalaga sa kanila. Kaya I never considered myself as lucky.
Sometimes, I wish I was not born to my family. Ang pera kasi mahahanap mo kung masipag ka lang, pero ang kaligayahan ay mailap. Kahit hanapin mo pa ito, kung pinalampas mo na minsan, ang hirap nang makamtan pang muli. Iyon ang hindi pinahalagahan ng pamilya ko for generations. Ang saklap. Marahil madali nilang nagawa iyon noon dahil wala sila ng mayroon tayo. Hindi nila naintindihan ang bigat ng mawalay sa taong mahal na mahal mo talaga.
On a good note, napangiti rin ako sa panglabing siyam mong liham. Kasi napag-alaman ko kung ano talaga ang tunay mong damdamin para sa akin. All these years I thought you did not love me that much. Kasi nagawa mo na namang tanggihan ang alok ko. Saka natuwa rin ako sa naging closeness n'yo ng mother mo. Sa pagkakatanda ko kasi, hindi kayo malapit sa isa't isa.
But I had a melt down on the last part of your letter. I had to stand up and walk for a bit before I was able to finish reading the entire paragraph.
Yes, my dearest baby girl. I will always treasure our memories together. Always...
Your Big Daddy,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...