Letter #48 - Rainbow

539 50 13
                                    

Dear Big Daddy,

I have a surprise for you, my love. Siguradong matutuwa ka. Alam mo bang---maging lola ka na? Haha! Yes! Rona is pregnant! At least, that's what I've heard from the kids. Even my Eira, my youngest with Lily, knew about it already. Biruin mo iyon? Hindi man naging tayo sa bandang huli pero naging grandparents din tayo pareho ng baby ng mga anak natin. Haha! Siguro kung ito ang naging hula sa atin noon nang minsang makatuwaan nating pumunta sa fortune teller sa Quiapo, sasabihin nating kalokohan. Who would have thought that we would end up grandparents of the same child? Ito marahil ang sinasabi noon ng manghuhula na iyon na our rainbow after the storm.

Rona had started to warm up towards me. Though hindi pa talaga kami kampante sa isa't isa, nag-uusap na kami nang normal. Thanks to Rick! May charm talaga ang panganay natin sa bunso mo. Nakatulong ang presence niya para magbago ang pananaw sa buhay ng iyong unica hija. Hindi na siya masyadong bugnutin ngayon. And sometimes, I could even catch her smiling for no reason at all. But the smiling part I guess is because of my son, Luke.

Alam mo, when Luke was a teenager, he was very popular with girls. Kahit saan ko siya ilipat na school, whether in Oslo or London, girls flock to him like bees to a pollen. He dated a lot of ladies, but he always went back to Linda. Inisip namin ni Lily na ganoon din ang mangyayari kay Rona kung kaya when I found out she's your daughter, I felt it was my duty to protect her against my son. Siguro na-overdo ko to the point na inisip ng anak mo na ayaw ko sa kanya dahil hindi ko gustong magkaroon ng mahirap na manugang. Kung alam lamang niya noon ang tungkol sa ating dalawa! Hindi ba't binibisita pa kita sa barung-barong ninyo? Iyong una ninyong tirahang mag-ina? Kung matapobre ako, hindi na ako nanligaw pa sana sa isang taga-iskwater.

By the way, Rona had mentioned to me the other day na nito lang naging panatag ang kanyang ama tungkol sa usapin ng kung sino talga ang tunay niyang ama. Biruin mo iyon? Halos suntukin niya ako because of that fake result tapos ay sa kaibuturan pala ng kanyang puso ay ganoon din ang iniisip? He's an asshole! I'm glad na isa lang ang naging anak n'yong dalawa. He doesn't deserved to be the father of your children!

Rona completely revealed to me the reason why she wanted to be known as Ronalyn in Sky Builders. Secretly, she wanted to please her father though she was showing that she hated him all along. Pero mukhang nasabi ko na iyan sa iyo noon, right? Haha! I'm getting older. Hindi ko na matandaan masyado ang mga pinagsasabi ko sa mga nauna kong sulat. Whether she made Ronalyn her new legal name, wala sa akin iyon. Karapatan ng bata na pumili ng pangalan ayon sa tingin niya'y nababagay sa kanya. Sino nga ba naman ang matutuwa sa Ronaldhina Gregoria sa kapanahunan ngayon? Haha! We are now in the twenty-first century. Hindi na uso sa generation ng mga anak natin ang olf-fashioned Spanish names. I'm just flattered na you named her after me. Nasabi ko na rin yata sa iyo iyan in my past letters. Ulyanin na ang big daddy mo. Haha!

Gusto kong sabihin sa iyo na Luke and Rona are starting to live together---at least that's what it appeared to me. Hindi na ako masyadong nakikialam sa kanila. Hihintayin ko na lang ang kapasyahan nilang dalawa kung nais na nilang lumagay sa tahimik.

As to our beloved son, I offered him a position in my group of companies. Sabi ko, since we are building condominiums and malls, why not tulungan niya ang kapatid niyang si Luke na i-manage ang mga ito. Luke would still be the CEO at siya naman ang COO. He refused. Hindi raw niya kaya pa at this time. Sabi ko sana, as Chairman of the Board, gagabayan ko siya. At siyempre, hindi naman siya pababayaan ng kanyang kapatid. Luke even welcomed the idea. Pero ayaw talaga ni Rick. Kapag handa na raw siya balang-araw, he would tell me.

Another good news. Our eldest was asked by Sky Builders' sister company in Oslo to go back there for another project. Nagustuhan nila ang performance ng ating anak sa ginawa nitong proyekto noong nakaraan. Isipin mo iyon? Nakaka-proud, di ba? At hindi lang iyan. Ang dami niyang offers sa rival companies ng Sky Builders dito sa Pilipinas maging sa karatig Asian nations. May nag-alok pa sa kanyang gagawin siyang kasosyo sa isang construction company. Wala raw itong alalahanin tungkol sa kapital dahil itong group of big time engineers ang bahala roon. He just contribute his skills and expertise. Gusto ko sana silang barahin lahat. Ang yayabang! How I wish maaari kong maipamukha sa kanila na my son is not poor. Kung gusto niyang magsarili all he needed is ask me for the capital and I would gladly provide that for him. Kaso siyempre, alam kong hindi magugustuhan iyon ng bata. Haha! Mabuti na lang din he declined those offers from strangers. Kahit alam kong he would do so, natakot pa rin ako. Kasi naisip kong baka he wanted to prove his worth to me through building a company for others. Buti na lang.

Our son struck me as the loyal kind. Kita mo nasa Sky Builders pa rin kahit na ang dami niyang offers na natanggap. Saka iyong sinasabi ko sa iyong alok ng sister company sa Oslo? Kung tutuusin it's nothing compared to what the others were promising him. Kaya medyo nagtataka ako kung bakit iyon ang pinili niya. Bakit gusto niyang pabalik-balik ng Oslo kung mayroon namang lucrative offer sa Singapore at Hong Kong. Oh well. For sure, he wanted to know more about European engineering standards.

Hindi ko muna binasa ang pang-huling liham mo. Upon seeing how you entitled it, nanikip na naman ang dibdib ko. Hindi ko pa kayang basahin ang iyong final note. Saka na siguro kung mayroon na akong sapat na lakas ng loob.

Always remember I love you. Till we meet again, baby girl.

Your Big Daddy Forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon