Dearest Baby Girl,
The DNA lab in Norway invited me and Engineer Rick Sandoval to their clinic five days after we submitted our sample. Nakita ko sa bata ang apprehension. Hindi biro kasi ang nakasalalay sa munting papel na binigay sa amin. It may change what he was made to believe by his adoptive parents. After listening to his stories, nabatid kong mataas ang pagkikilala niya sa kanyang mga nakagisnang magulang. Halata ring tinitingala niya at mahal na mahal niya ang mga ito. They did a very good job in raising him. He turned out to be a fine, young man. May takot sa Diyos, maginoo, matalino, may respeto sa kapwa, at may magandang work ethic.
Sa nakikitang lungkot sa kanyang mga mata, na-guilty rin ako. There I was, very excited and looking forward to the result samantalang siya'y matamlay. Parang napilitan lamang siyang pumunta roon para matapos na ang lahat. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Sinikap ko na lang na h'wag masyadong maging atat sa resulta.
When the director of the laboratory finally asked us to open our respective envelopes with the result in it, parehong nanginig ang mga kamay namin. Ako'y sa sobrang excitement at siya'y sa takot at kaba siguro. Magkaharap kami no'n sa isang conference table habang ang kinatawan ng lab ay nasa kabisera. Hawak niya rin ang kopya ng binigay sa amin. Kadalasan, sa mga ganitong uri ng lab tests, hindi raw involved ang director nila. Subalit dahil tinatagurian nilang high profile paternity test ang sinagawa sa amin, mismong pinuno pa ng laboratoryo ang humarap sa aming dalawa.
Ang daming sinabi ng director na hindi namin lubos na naintindihan. Parehong nakakunot ang mga noo namin habang pinapakinggan ito. But then, when he said, "Based on the analysis of the STR loci listed above, the probability of paternity is 99.99999999%." Awtomatikong, butil-butil na luha ang tumulo mula sa kanyang mga mata. Ako nama'y napahiyaw at napasuntok pa sa ere. Then, I went to his side and hugged him from behind. Hindi siya nakakilos. Umiyak lang nang umiyak. My heart melted. Hindi ko alam kung deep inside ay ikinatuwa niya rin na natagpuan na ang isa sa mga tunay niyang magulang. Nang mga oras na iyon, parang ang sakit ng dating sa kanya ng katotohanan. May halong pagsinok pa kasi ang kanyang pag-iyak na para bagang siya'y namatayan ng isang mahal sa buhay. I felt really, really guilty that my happiness caused him pain.
The director left us as soon as he confirmed that the results we were holding were verified to be true and correct. Bumalik ako sa side ko at hinayaan ko muna siyang umiyak. I didn't utter a word. Siya ang kusang nagsalita matapos ang mahabang katahimikan. Nagtanong siya about you. Tapos kung bakit nahantong sa pagpapaampon sa kanya ang lahat. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Inisip kong magagalit siya at mumurahin niya ako, pero tumangu-tango lamang siya. Tapos tumingin siya sa labas ng bintana at nagsabing parang may vague memory siya about this vendor years ago na nagbiro sa kanya na siya raw ang kanyang mama. Hindi niya raw sineryoso iyon dahil all his life he thought his biological parents were his adoptive parents' relatives. Na-meet nga raw niya ang mga ito. Tapos sinabi nga rin daw nila sa kanya na binigay daw siya sa mga Sandoval dahil his parents can give him a better life.
Nag-usap pa kami tungkol sa iyo. I told him that he has your smile at sa iyo rin namana ang kinis ng kutis. Ako kasi'y may mga freckles pa pero siya'y wala. Kinuwento ko rin sa kanya kung gaano natin siya kamahal. Na kahit nasa kabilang buhay ka na'y nais mo pa rin siyang matagpuan.
Finally, I was able to hug him for you. We both stood up and he let me hugged him. And I told him he was our Baby Tanglaw---the light of your life---our lives.
I hope you felt his hug through me, baby girl. I told him you sent me a letter telling me to hug him for you before you died. We both pretended he was hugging you. Nang sabihan ko siyang yakapin ako thinking it was you, the Aling Ising who was very kind and affectionate to him when he was a teenager, his real mother, he hugged me so tightly I thought my ribs would crack. Haha! Then, he whispered, "I love you, Aling Ising---I love you, Mama."
One mission down. I hope you are proud of me, baby girl. I love you.
Your Big Daddy Forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...