Dearest Baby Girl,
Dala na rin siguro ng happiness ko over what I was able to achieve in my trip to Oslo, naging mapangahas ako pagdating ng Pilipinas. Imbes na magpahatid sa amin, I asked my driver to take me to our little girl's apartment. Nananabik din akong makita ang ating prinsesa. Mayroon pa akong dala-dalang kung ilang boxes ng Melkesjokolade, Walter's Mandler, Kvikk Lunsj---all from Freia, my favorite chocolate brand from Norway. Inisip ko, one can never go wrong with chocolates. Haha! So stupid of me. Masyadong kong na-underestimate si Rona. Akala ko kaya ko siyang silawin sa kung ilang kahong tsokolate at bulaklak. Ang nasa utak ko kasi, dahil galing siya sa iyo, she must love those things you loved to receive from me in the old days. Hindi pala.
Alam mo ba kung ano ang sumalubong sa akin pagdating ko sa kanyang apartment ng alas nuwebe ng gabi? Magkasalubong na kilay at masamang tingin! Haha! Sometimes, it's hard to believe she came from you. Paano nangyari iyon? Ni minsan hindi ko ma-picture out sa isipan ang nakasimangot na Isadora Ramirez. You were always smiling. Kaya nga para kang sunrise sa paningin ko. Palaging maliwanag. Bukod pa riyan, kahit nakasimangot ka noon, hindi mabagsik ang iyong mga mata. Katunayan, parang lagi silang nakangiti. Saan kaya nagmana ang batang ito? Sa akin ba? Haha! Pero sa pagkakatanda ko, noong kabataan ko'y magkatulad na magkatulad tayo. Hindi ko matandaan kung kailan ako naging mabagsik sa ibang tao. Iyong sagutan namin ni Dad sa golf club noon was an exception to the rule. May dahilan naman kasi iyon. I was just scared to death to lose you forever, so I tried to fight him back though he threatened to shoot me right there and then. Sa pagdaan ng mga taon, naging aloof ako dahil na rin sa mapait kong karanasan sa pag-ibig, but I was never rude to the point of being cruel to people. Was I?
Sinupalpal agad ako ni Bunso nang sabihan ko siyang may mga pasalubong ako para sa kanya. Galit na galit niya akong pinagtabuyan. Ni hindi ko pa nga napapalapag sa driver ko ang mga karton ng tsokolate sa apartment niya nang basta niya akong itaboy. Though I expected her to be disrespectful because she thought, maybe, that I manipulated the result of the DNA test just so I can break her and Luke apart, her reaction was not what I expected. Akala ko handa na ako sa rejection na matatanggap ko from her. Hindi pala. Nasaktan ako nang todo, baby girl. But then, inisip ko na lang na perhaps I deserved it for not really doing all I can to be with you. Baka inisip din niya ang mga masasakit na karanasan ng kanyang kabataan for not having a father to be with her. Sabi mo nga pinagkait sa kanya iyon ng kanyang nakagisnang ama.
It's so funny, baby girl. I remember you mentioning in one of your letters how negligent your ex-husband was to Rona. Na halos ay hindi niya ito binigyan ng kalinga na naaangkop para sa isang anak. Pero alam mo ba? Ngayong nalaman na rin nito ang tungkol sa DNA result, umalma nang todo ang hinayupak. And you know what he did? Dumating din siya sa apartment ni Rona nang gabing dinaanan ko ang ating bunso straight from the airport. Halos magsuntukan kami sa labas ng apartment. He challenged me to another DNA test. Akala ko ba ayaw nito kay Rona? He even suspected that I was Rona's father all along, right? Bakit kaya bigla na lang kumambyo ang utak nito? Napapabuntong-hininga na lang ako. Kung sana ganito siya ka agresibo na mapatunayang ama nga siya ng ating bunso disin sana'y hindi lumaki nang ganito ka bitter ang bata.
You know what's painful, my love? It's the thought na sa kabila ng kawalanghiyaan ng Damian na iyon, siya pa rin ang nagwagi sa puso ng ating anak. Obviously, Rona preferred him to be her father. My heart bled---for the second time. At iyon ay dahil na naman sa isang Ramirez.
I do not want to end this note on a sad tone, so I want to let you know that despite what happened I will still reach out to our little girl. Perhaps, our panganay can help me with her. Sa susunod na buwan pa ang uwi ng ating inhinyero.
My heart is overflowing with joy and pride just thinking about him. We brought a handsome, talented, intelligent, and kind-hearted man into this world! Pakiramdam ko, may nagawa rin akong tama noon. Haha! (Wink, wink)
I love you, baby girl. I'll always will.
Your Big Dadd forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...