Letter #20 - Worries

310 39 14
                                    

Dear Baby Girl,

I am scared. Siguro kung sinabi ko iyan sa harapan mo, matitigilan ka. Iisipin mong nagbibiro na naman ako. Ang isang Greg Santillan, takot? For sure, matatawa ka pa. May rason ka naman kung ganoon nga ang reaksiyon mo. For one thing, wala akong inatrasang laban noon sa campus. Lahat ng humamon sa akin, kalaban sa basketball o sa iyo, hindi ko inurungan. Pati nga ang sarili kong ama ay nagawa ko pang harapin kahit noong tutukan na niya ako ng baril sa sentido. For another, kilala mo ako sa pagiging happy-go-lucky. Walang pakialam. Bahala na kung ano ang mangyari basta magkasama tayong dalawa. And now I'm scared?

Ang totoo niyan hindi ito tungkol sa akin o sa ating dalawa. Ang kinatatakutan ko ay ang tungkol sa aking panganay kay Lily. Malakas ang kutob ko na malaki ang kinalaman ng empleyadang iyon sa kakaibang ikinikilos ng aking anak. I have never seen Luke this depressed before. Wala namang nangyayaring hindi maganda sa opisina o sa mga negosyo naming hawak niya. We have lost some huge business deals in the past but they have never affected him like this. Sigurado ako na ang pinagsisintir niya ngayon ay tungkol sa isang babae. I hope history doesn't repeat itself.

Sinalubong ko sana siya sa front door pero ni hindi ako tinapunan ng pansin. Kahit nga ang kanyang ina na bumati pa sa kanya ay nilampasan niya lang. Kagagalitan ko sana, ngunit naisip ko ring baka lalong lumala ang pinagdaramdam. Nilagay ko rin ang sarili sa sitwasyon niya. Ako noo'y naggaganito rin. Naalala mo? Haha! When Dad prevented me from going to that school trip for our Humanities class, I didn't talk to them for days. Saka ko lang sila kinausap nang kunwari'y pasekreto akong pinayagan ni Mom na sumama sa inyo sa Smokey Mountain. To be honest, visiting that place, though something unusual for me, was not what I was excited about. Alam mo naman siguro kung bakit atat ako no'ng sumama. Napag-alaman ko kasing pinopormahan ka rin ng mga pol sci students nating kaklase! Isipin mo iyon? Alam na nila na tayo na noon, pero ang lalakas ng loob na manligaw pa. Sasabihin pa sa lahat ng may tainga na 'so what?' Hindi naman daw tayo kasal? Just remembering it is enough to make my blood boil.

Did I mention it to you? Luke is not my biological son. Ganunpaman, in my heart I feel that he is mine. Kaya siguro mabigat din sa loob kong nakikita siyang nagdurusa. Ayaw kong matulad siya sa akin. Sapat na ang isang Santillang bigo sa pag-ibig. Kaso nga lang, habang naririnig ko kung anong klaseng babae itong kinahuhumalingan niya mula sa mga tsismosa kong katulong, parang gusto kong manghimasok. The last thing I want is for him to marry an arrogant, gold-digger!

Oo nga pala, may nakita nang bagong lead ang aking imbestigador mula sa lumang record ng klinika na dati'y pinagdadalhan sa ating Baby Tanglaw. Excited na ako. Alam kong makakaharap ko na rin siya sa wakas. I just hope that he was brought up well by his adoptive parents. Sana ay hindi niya ako---tayo kamuhian.

Hanggang sa muli, mahal ko. I need to end it here. My assistant just called up. Binalita niyang may kailangan akong kausaping inhinyero sa Sky Builders. Hinihintay na raw ako sa office. May kaunti kasing adjustment na gagawin para sa mall project namin dito sa Manila. I just hope this Engineer Sandoval guy is so worth my time.

Always remember that I love you. I think you will always have my heart forever!

Your Big Daddy forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon