Dear Baby Girl,
Ngayong alam ko nang anak mo nga si Architect Ramirez, pinaimbestigahan ko rin ang Damian na nakilala ko sa Sky Builders. At tama rin ang una kong sapantaha tungkol sa kanya. Siya na nga ang naging asawa mo noon at kinikilalang ama ng iyong anak. Gusto ko siyang bigwasan nang makita kong muli sa meeting namin with them. I was just trying to control myself alang-alang kay Luke. Ayaw ko rin namang mapahiya siya dahil sa kanya ko inatas ang proyektong ito at siya ang direct contact nila sa tuwing may gusto silang ipagbigay-alam sa kompanya namin.
Sa totoo lang, gusto ko na sanang umatras. Nanginginig sa galit ang laman ko sa lalaking iyon knowing how much he made you suffer. Nagtataka na nga ang aking anak kung bakit ganoon na lamang ang galit ko sa lalaking iyon. He was also wondering kung bakit nagbago ang tingin ko kay Rona. Ako pa mismo ang nagsabi na imbitahin n'ya ang anak mo sa bahay so we can have dinner together.
Oo nga pala, ang Rick Sandoval sa Sky Builders ay kakaiba. Sa tuwing nakikita ko'y labis akong natutuwa. Naisip kong hindi kaya---kaso nang paimbestigahan ko'y hindi naman daw ampon. Anak daw talaga siya ng kanyang mga magulang. Saka sa Amerika siya nag-aral mula elementarya hanggang high school. Bumalik na lang daw ng Pilipinas nang magkolehiyo na. But then again, I felt something for him that I could not explain. I like him so much!
Nasabi ko na pala kay Luke ang tungkol sa iyo. I expected him to be threatened and to be somehow mad at me for loving someone deeper than what I feel for his mom, but he just nodded. And smiled. Tapos tumingin siya sa malayo at ngumiti na naman.
Anyway, pinabalik ko ang aking imbestigador sa village ng batang engineer na si Rick Sandoval para manmanan ang kilos nito. I know it doesn't sound right. Para na rin kasi naming inii-stalk ang lalaking iyon. But then this is my only way of finding out kung totoo ngang anak siya ng kanyang mga magulang o baka nagsisinungaling lang sila.
Kita mo na, hindi pa ako tapos sa sulat ko sa iyo, nag-text na si Estong, ang detective ko. Maliliit na tao raw ang mga magulang ni Engineer Sandoval! His dad is just a little over five feet four at ang kanyang ina naman ay halos hindi nga raw umabot ng limang talampakan. Grabe ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang naturang text. Nang buksan ko pa ang pinadala niyang email with their pictures, lalong nag-palpitate ang puso ko. I think I am inching closer to my goal! Engineer Sandoval's parents do not look slightly close to his look. Ibig sabihin, may malaking chance na ampon nga rin ang batang inhinyerong iyon!
I will keep you posted, baby girl. Kailangan kong makipagkita na kay Estong ngayon din. Pupuntahan daw namin at kakausapin ang mag-asawa. Nakahingi na siya ng permiso sa village president at nang mapag-alaman daw nito kung sino ang gustong makipag-usap kina Mr. and Mrs. Roman Sandoval ay pumayag agad ito. It helps to be a Santillan. Haha!
Wish me luck, my love. Sana ay magkaroon na ng linaw mamaya ang aking sapantaha.
Tandaan mong mahal na mahal kita.
Your Big Daddy now and forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...