Letter #36 - I LOVE YOU, ALL CAPS

335 42 11
                                    

Dear Baby Girl,

Hindi ko kayang basahin ang ilang linya ng poem ni Christina Georgina Rossetti na nilakip mo sa sulat mo. I do not think I could do it, baby girl. It is too hard for me to do. Ang sakit-sakit. Kahit na alam kong imposible na tayong magkita sa mundong ito, a part of me still held on to the memories we once shared. I do not think I could let go of you totally. Doon nakasalalay ang aking katinuan.

Kahit alam ko na ngayong hindi ko kadugo si Rona, a part of me still bled when you mentioned how worried you were for her future. Gusto ko na namang suntukin si Damian. He took for granted two special ladies this world was blessed with. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya ka unfeeling sa inyong dalawa. Parang wala kayong pinagsamahang tatlo. Bakit siya gano'n?

Remember the love that once we shared

Miss me, but let me go.

Nag-palpitate ang puso ko sa mga katagang iyan. Kinailangan ko pa ngang tumigil saglit sa pagababasa ng mga liham mo para pakalmahin ang aking sarili. Lily came to my study to check on me dahil nataranta ang mga katulong ko nang tumaas ang blood pressure ko nang sobra. She gave me a neck massage and sang me a happy Norwegian song she used to sing to our children when they were little. It helped calm my nerves. Bumalik sa masasayang alaala ng aming buhay sa Oslo ang aking isipan. For a while ay naalis ang pighating dulot ng pag-iisip ko sa pasakit na iyong ininda noon. Forgive me, baby girl, if I was happy when you were miserable. Ngayong nabigyan ako nang linaw sa kung ano ang nangyari sa iyo sa mga panahong naging masaya naman ang buhay ko nang wala ka, mas na-guilty ako. Mas sinisi ko ang aking sarili. Ngayo'y wala na akong pakialam if Luke pursued your daughter. Ang nais ko lamang ay masigurong hindi rin iiyak sa kanya ang iyong anak. Hindi ko man kadugo si Rona, the fact that she is your daughter makes her so special. Pero naisip ko rin, hindi ko iimpluwensyahan si Luke. Ayaw ko ring itanim sa utak niya na hindi na siya maaaring umatras kay Rona kung ayaw niya rito dahil sa kagustuhan kong bumawi sa iyo. I do not want to be like my parents. Ayaw kong panghimasukan ang kanyang buhay.

I guess Rona is thinking I do not like her for my son. Ang hindi niya alam, hindi iyon ang issue. There's a part of me that still believes Luke is still in love with his childhood sweetheart---kay Linda. Nakita ko sa kanilang dalawa noon ang pag-iibigan nila Caloy at Rona na malinaw mong naisalarawan sa akin sa mga liham mong nauna. If I have to be honest with you, nakikita ko rin kay Linda ang sitwasyon mo noon---natin. We ended up with a different person but still---kung pagbabasehan ko ang aking damdamin, kailanman ay hindi ito nabihag ninuman. Nanatili itong loyal sa iyo. Iyan ang pakiramdam ko rin kay Luke at Linda. Maaaring may tampo sila sa isa't isa sa ngayon---malapad kasi ang mga mata nitong anak ko. Mahilig sa babae. Ang dami na nitong nakarelasyon noon. But he always go back to Linda. Iyan ang kinatatakot ko, baby girl. I knew your daughter had been to a lot of heartaches already. Ayaw ko nang dagdagan pa iyon ni Luke.

I think I need to check on Estong. Nasa living room daw siya at hinihintay ako. My personal assistant just came to my study room to tell me na may urgent daw na sadya ang aking detective. Hindi na raw ito makakapaghintay pa.

O siya. I will my park my pen here. Marami pa akong kuwento sa iyo. Sana hindi mo masamain ang medyo pagtutol ko sa relasyon ng ating mga anak. Wala iyong ibang kahulugan kundi ang kagustuhan kong hindi maulit kay Rona ang nangyari sa atin noon. Ayaw ko ring gawin siyang basehan ni Luke ng tunay niyang damdamin para kay Linda. I hate to see him realize that it was his childhood sweetheart all along while he's with Rona. Napamahal na rin sa akin ang iyong unica hija. Pangako, maging sila o hindi ni Luke sa bandang huli, I will be a father to her just like you asked me to.

I LOVE YOU. ALL CAPS.

Your Big Daddy forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon