Letter #38 - My Other Son

482 45 14
                                    

Dear Baby Girl,

May isang kakilalang Norwegian na nag-email sa akin asking me if my son went to Norway recently. He used to work for one of our companies in Skøyenhagen, isa sa mga pinagkatiwalaan namin ni Lily. Sabi ko naman sa reply ko nasa Pilipinas si Luke. Sabi niya, hindi raw si Luke ang ibig niyang sabihin. My other son. Nalito ako sa sinabi niya, so I called him up. Guess what? He showed me an inauguration of a project in Adamstua where Engineer Rick Sandoval was one of the foreign guests! Biglang lumakas ang tahip ng dibdib ko. Totoo nga ang sinasabi ni Estong. May hawig si Rick Sandoval sa akin! Inakala kong nagsisipsip lang ang taong iyon dahil ganoon din ang tingin ko sa batang inhinyerong iyon.

Noong binalikan ko ang iilan mong mga liham kung saan mo nabanggit ang ating panganay, naluha na naman ako lalo na sa parte na sinabi mong you were always Aling Ising to him. Hindi ko ma-imagine ang isang Isadora na tinatawag na 'Ising' because for me you will always be my 'baby girl' or my dearest, sweetest Isa. Hindi ka tumanda sa isipan ko. Kailanman.

Iyong sinabi mo sa isa sa mga liham mong okay nga na hindi na tayo nagkita noong nagkaroon ka na ng mga kulubot sa pisngi dahil baka hindi kita nakilala, nagpalungkot sa akin nang kaunti. Kasi parang sinasabi mo na sa ganda mo lamang ako nabihag noon. Sigurado akong kahit nagmukha ka pang lola, makikilala ka pa rin ng puso ko. Kung ganda lang kasi ang pag-uusapan, I've met a lot of beautiful women in Europe, especially in Scandinavian countries, but no one has ever come closer to you in my heart. Not even my wife, Lily. Gano'n talaga siguro kapag true love. Hindi nababago ng panahon.

To be honest, simula nang mabanggit ng kakilalang Norwegian ang tungkol kay Rick, hindi na ako mapakali. A part of me wants to go and seek for him in Oslo. Bahala na kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Kaso nga lang, what if he would get mad? Like Rona did? Hindi ko na siguro matatanggap kung ang isa pa nating anak ay mamuhi sa akin nang lubos. Heto nga at namomroblema ako kung paano paamuin ang ating bunso. Idagdag pa riyan ang sama ng loob sa akin ni Luke.

Nag-usap na pala kaming dalawa. Ang sabi niya, ke anak ko o hindi si Rona, he wanted to be with her. Nasabi na raw ng mom niya na hindi ko siya tunay na anak. Hindi naman daw iyon incestuous kung sakali dahil hindi sila magkadugo. Ang sabi ko, NO. It's not as simple as that. Para kasi sa akin, pareho ko silang anak. It makes me feel weird to give my consent to their relationship knowing that they are my children. Alam mo iyon? Hindi kasi iba ang turing ko sa panganay namin ni Lily. I have always considered him as my own. I know it may be hard to understand. Hindi ko man minahal ang kanyang ina kagaya ng pagmamahal ko sa iyo, I have love him as my flesh and blood kahit na ipinagsisigawan ng kanyang pisikal na anyo na iba ang kanyang pinagmulan.

Lily advised me to go to Oslo. Sundin ko raw ang dikta ng aking puso. Kung sakaling sitahin ako ni Rick for stalking him, I could always use visiting our business there as an excuse. But I doubt na sisitahin ako ng batang iyon. He is too respectful to be rude to abnoxious people like me. Haha!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinunod ko nga ang payo ni Lily. Heto at nagpabili ako ng business class ticket to Oslo. Saka ko na lang haharapin ang problema namin ni Luke. Maybe, pag-uwi ko. I have to grab this opportunity to be with our potential first born. Baka sa Norway kami magkaroon ng bond. If many people will mistook us for father and son there, baka makukumbinse ko siyang magpa-DNA test na nga to settle the issue. If ever, maaari naming gawin iyon doon. I'm so excited, baby girl! Wish me luck, my love!

I love you, Isadora. Always remember that. Kailanman hindi iyan magbabago. No wrinkles could erase your beauty in my eyes. Kung nakita kita noon, natitiyak kong patuloy pa rin kitang minahal.

Your Big Daddy forever,

Greg 

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon