Letter #28 - Ronalyn Ramirez

378 41 15
                                    

Dear Baby Girl,

Sabi ko sana bukas na lang kita susulatan dahil I have just arrived from Hong Kong at medyo pagod pa. Kaso nga lang, hindi maalis-alis sa isipan ko ang nangyayari sa aking panganay kay Lily. Nagiging madalas na yata ang pagiging bugnutin nito't absent-minded. My son, Luke, has never been like this before. Ayon sa tsismosa kong mayordoma, nagkatampuhan na naman daw sila ng inaakala kong fling lamang niya. Iyong Ronalyn Ramirez na iyon! Gusto raw ng babae na dominahin ang aking anak!

Nasabi ko na ba sa iyo na ang Sky Builders na pinagtatrabahuhan ng Ronalyn Ramirez na iyon ang may hawak ng isa naming project dito sa Manila? Well, I was told, siya raw ang architect sa project. May gustong ipabago si Luke sa design niya, pero hindi raw siya pumayag. Bagkus, gusto talaga i-assert ang sariling kapritso. You know me, baby girl. Sabi ko nga sa iyo, biased ako. Kapag ayaw ko sa tao, ayaw ko na rin sa trabaho niya. Dapat sana ay hahayaan ko na lang ang babaeng ito total naman ay pinagkatiwalaan ng kanyang mga superiors kaso nga lang sumusobra na. Porke gusto siya ng anak ko'y nagmamataas na? Hindi ito pwede. The Santillans are not under de saya. Hinding-hindi ako makakapayag na ginagamit niya ang feelings sa kanya ng anak ko para lamang masunod ang kanyang gusto! Bukas na bukas din ay pupuntahan ko siya kung saan man siya nakatira! I need to settle things with her.

Am I boring you about this---about her? I am sorry, baby girl. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili. Naiinis din ako kay Luke. I expected him to be over and done with her after a few weeks. Aba'y malapit na silang ikasal ng kanyang kababatang si Linda! Hindi pupwedeng mayroon pa siyang kinahuhumalingang iba. Sealed na ang kasunduan namin ng pamilya Borromeo.

To be honest, I heard a tiny voice inside of me pagkasulat ko tungkol sa kasunduan. Do I sound like my dad? I sounded like my dad! I can almost see you nodding your head in agreement. No, baby girl! I am not like Dad! Iba ang kaso naming mag-ama. Alam kong mahal na mahal ng anak ko si Linda, ang kanyang kababata. Wala siyang bukambibig noong maliit pa siya kundi ang pakasalan at alagaan ang kanyang kalaro kapag sila'y dalaga't binata na. I know I am simply helping him realize his childhood dream. Or---am I?

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga batang ito. Buti sana kung hindi naaapektuhan ang pagpapatakbo sa negosyo namin. Heto at kate-text lang ng secretary niya at sinasabing we lost some investors. Tinaasan daw ni Luke ng boses. Kailangan ko na talagang komprontahin ang babaeng sanhi ng pagkakaganito niya.

Well, heto ako and I am continuing this letter dito mismo sa limo ko. I asked my driver to take me to that woman's apartment right now. Once and for all, kailangan ko siyang mapagsabihan. Lily warned me not to interfere with our son's affair pero hindi ko na kayang maging onlooker na lang sa hindi magandang transformation ni Luke. I have to do something. Ang hirap kausap ng Ronalyn Ramirez na ito. Mukhang hindi madadala sa subtle cues lang. I need to be upfront about what I want with her.

I will talk to you later, my love. I love you.

Your Big Daddy forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon