Dearest Baby Girl,
Tanggap ko na sa puso kong hindi nga nabuo ang tunay nating bunso at si Rona ay hindi talaga galing sa akin. The more I think about it, the more I feel okay with it. Iniisip ko na lang na it was probably for the better kasi nakikita kong hindi handa ang aking anak na i-give up siya nang tuluyan kahit pa sigurong takutin kong hindi pamanahan. Haha! As to Rick, our little boy, our Baby Tanglaw, he started to warm up towards me. Hindi na siya awkward sa pagtawag sa akin ng Dad. In fact, there were times when he was the one initiating the overseas call. Nasa Norway pa rin kasi siya. May tinatapos lang doon.
Gusto ko sanang ipagbigay-alam na sa lahat, lalung-lalo na sa Sky Builders, ang may hawak ng pinakamalaking project namin sa Manila, na ang isa nilang inhinyero ay ang pinakamamahal kong anak, pero ayaw pa ni Rick. H'wag ko raw munang ipilit. Gusto niya raw munang masanay at the thought na mag-ama kami bago ipaalam sa lahat. Saka mauuna raw dapat ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi raw pwedeng isabay lamang siya sa lahat ng mga tao sa paligid namin. At the mention of her sister, his voice softened. Ramdam ko ang genuine concern niya para kay Rona. Iyon nga kinuwento niya sa aking muli na nang una raw niya itong makita, he was drawn to her and he could not explain it. He even thought it may be love at first sight kaso wala siyang makapang physical attraction sa puso kahit anong gawin niya. He laughed at this. Napangiti na rin ako. Iyon siguro ang tinatawag na lukso ng dugo. Naniniwala na ako. Tama nga sila, mahal ko. Maging ako'y nakaramdam din no'n para sa kanya. Kahit noong wala sa hinagap kong baka anak ko itong guwapong engineer na ito na nagmana sa akin, haha, ay malambot na ang puso ko sa kanya. In fact, if nor for what I felt for him I would have cancelled the contract with Sky Builders.
Nag-iisip pa sana ako ng paraan kung paano ko masasabi kay Rona na mayroon siyang kuya nang hindi siya magagalit na naman sa akin, pero naunahan na ako ni Rick. Napag-alaman ko from my detective and from our little boy himself na nag-usap na silang magkapatid. I wish I was there to witness everything. Nagkasya na lang ako sa detalyadong kuwento ni Estong. It all happened in my resort---our resort, baby girl! Ang Queen Isadora Maria sa Laguna! Siguro magtataka ka kung bakit doon of all places. Nabanggit ko kasi sa ating anak na pinangalan ko iyon sa iyo and you spent one birthday celebration there where you had a blast. Sinigurado kasi ng mga tao kong mag-enjoy ka nang husto gaya ng naibilin ko sa kanila. Sayang nga lang at huli na nang mabasa ko ang sulat ng manager no'n na nagawa nila ang lahat ng sinabi ko sa kanila para sa iyo noon-noon pa. I felt so proud na lahat ng ikinuwento ko kay Baby Tanglaw tungkol sa iyo at sa resort na iyon ay naalala niya. I heard it was the first thing he visited after he came home from Norway at dinala pa niya roon ang kanyang bunsong kapatid.
Oo nga pala, nakita ko na ang memorial park kung saan ka inihimlay ng iyong pinakamamahal na anak. Don't be mad. I stalked our kids. Dinala ni Rona ang kanyang Kuya Rick doon. Gusto ko rin sanang lumapit sa kanila para makita kita kahit doon lamang subalit biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko pa yata kayang mag-let go. The moment I remembered your forty-eighth letter, I broke down. I cannot let you go yet. I can't!
I miss you so much! And I cannot let you go...At least, not yet.
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomantikGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...