Dear Baby Girl,
Habang hinihintay ko ang resulta ng DNA test sa aming dalawa ni Rona, binalik-balikan ko ang mga kuwento mo sa iyong liham tungkol sa kanya at sa dati niyang nobyo. Hindi pa man napapatunayang dugo ko siya't laman, nanginginig na ang aking kalamnan sa galit dito sa Caloy na ito. How dare he! Paano niya nagawang ipagpalit sa iba ang iyong prinsesa? As soon as I asked that, I remembered what I did to you. Wala nga pala akong karapatang husgahan ang lalaking iyon dahil mas masahol pa roon ang ginawa ko sa iyo. Hindi rin kita lubusang naipaglaban. Nanalo rin ang mga magulang ko na paghiwalayin tayo nang tuluyan. At least kay Caloy, he fought for the woman he truly loved. Masakit mang aminin pero dapat na lang nating tanggapin na he fell out of love. Iyon ang dahilan kung bakit niya tinalikuran si Rona. Tingin ko hindi naman talaga siya masamang tao. Hindi niya lang nakayanang harapin agad ang kanyang nobya at ipagtapat dito na hindi na tulad ng dati ang lahat dahil kahit papaano ay mahal din niya ito. Hindi lang tulad ng dati o hindi lang sa paraang gusto ng iyong bunso. Napapabuntong-hininga na lang ako. How I wished I had his determination to be with the woman I love with all my heart and soul...
When I read the part where Rona tried to hide her pain from you, nakanti ang damdaming ama ko. If that happened to my youngest daughter with Lily, I do not know if I can simply watch her suffer. Baka mapatay ko ang lalaking nagpahirap sa kanyang kalooban. Kung hindi man lang napukaw ang damdaming-ama ng Damian na iyon kay Rona sa mga panahong ito, isa lang ang maaaring dahilan no'n. Wala siyang simpatiya sa bunso mo. Baka nga totoo ang aking sapantaha. Baka nga totoong ako talaga ang ama ng iyong unica hija.
Hindi na ako makapaghintay. Mamaya raw ay darating na ang resulta ng DNA test namin ni Rona. Wala pa man ay gusto ko nang paghandaan ang selebrasyon. Naihanda ko na rin ang sarili sa maaaring implikasyon nito sa mga mana ng mga bata. Ibig sabihin lang ay may idadagdag ako sa pmamanahan balang-araw.
Kung nagwa-wonder ka tungkol sa share ng ating panganay sa mga ari-arian ko, tinitiyak ko sa iyong matagal ko na siyang pinaglaanan. Katunayan, hindi ko pa alam na may nabuo tayo ay kasama na siya sa aking last will and testament. Sinabi ko roon na kung sakaling mayroon akong anak sa iyo, magkakaroon siya ng kaparehong hati sa mga legal children ko. Wala namang reklamo roon si Lily. Ganyan ka bait ang aking asawa.
Natigil ang pagsusulat ko ng liham na ito nang ihatid ng aking katulong ang sobreng naglalaman ng resulta ng DNA. Habang hawak-hawak ko ito'y bigla na lamang nag-palpitate ang puso ko. Kinailangan ko munang tumayo at magpalakad-lakad sa loob ng study room para pakalmahin ang saili bago ko iyon buksan. Nang sa wakas ay magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob na alamin ang resulta, nawindang ako sa bumulaga sa akin. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang ipagsigawan ng kapirasong papel na NEGATIVE ang paternity test. Imposibleng maging anak ko rin ang pinakamamahal mong bunso.
Hay. Napabuntong-hininga na lamang ako, baby girl. Inisip ko na lang na mabuti rin siguro at nagka-ganoon. Kasi kung nagkatotoo ang inakala kong lukso ng dugo na nararamdaman para sa iyong anak, hinding-hindi ako makapapayag na magkatuluyan sila ni Luke, ang aking panganay. Kahit hindi ko kadugo ang batang iyon, tunay na anak na rin ang turing ko roon. Masagwa kung hahayaan kong magkatuluyan ang dalawa kong anak, right?
Luke is lucky after all. Napangiti na rin ako sa balitang ito nang maalala ko siya. I guess, all's well that ends well.
Always remember that I still love you. I will love you 'till my last breath.
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...