Letter #46 - Busted

465 53 16
                                    

Dearest Baby Girl,

I wish you were here. Siguro wala kang pagsisidlan ng ligaya kung makita mo ang nakikita ko ngayon. Our panganay, Rick, and your bunso, Rona, are having dinner in Italianni's in Alabang. I am here just a few tables away from them, watching them trying to make up for lost years. I felt bad stalking the two of them, but I just couldn't help it. Gusto ko rin kasing maibalita sa iyo kung paano sila nagba-bonding as siblings. I want to tell you about it blow by blow although I think you are here with us, too. Sabi nga ni Estong sa akin, h'wag daw akong masyadong magpahalata dahil baka maramdaman nila ang presence ko. Well, naka-blonde wig ako saka naka-dark glasses. I do not think they would recognize me. Haha! Si Estong naman ay pinag-disguise ko rin. Bwisit na bwisit nga ito sa akin dahil pinagdamit babae ko pa.

Matagal na palang magkakilala ang dalawa, baby girl. College pa lang daw ang bunso mo'y napapansin na niya itong panganay natin. She saw him play for their university in UAAP daw and she was immediately smittened with him. Napapangiti ako habang nire-relive niya ang nararamdamang kilig sa kanyang kuya during those years. Haha! I couldn't believe I am hearing the grumpy Rona giggle and laugh with her brother. Noon pa man pala ay naramdaman na niya ang lukso ng dugo. At kahit noong mga panahong iyon na halos ay i-offer ng prinsesa mo ang sarili sa ating panganay ay naging maginoo lamang ito. He never tried to encourage her feelings for him. Kung nagkataon siguro ang laki ng problema natin ngayon. Buti na lang at pinalaking gentleman ang ating Baby Tanglaw. Kahit na nagsinungaling sa kanya ang kanyang mga magulang, napatawad ko na sila dahil they did a very good job raising our son. But then again, if only they were honest with him, siguro noong time na sinabi mo sa kanya na ikaw ang tunay niyang mama marahil ay binigyan niya ito ng puwang sa kanyang puso. He could have tried to find out the truth. Kaso lang, buo ang paniniwala niyang relatives ng kanyang adoptive parents ang tunay niyang mga magulang. Nakakapanghinayang.

Estong is telling me already to leave the place. Napapansin daw niyang padalas nang padalas ang lingon sa amin ni Rick. Mahirap na. Baka nga mabisto ang disguise namin at mainis ang mga bata. I couldn't afford to lose Rick's sympathy. Ang tindi ng pinagdaanan ko para lamang umabot kami sa estado na natatawag na niya akong daddy kahit sa maraming tao. Naipakilala ko na rin siya sa aking mga malalapit na kaibigan. I have already talked about him to my kids with Lily and he's beginning to warm up to the idea that he belongs to my family as well. Kailangang ma-maintain ko iyon o mahigitan pa. Si Rona na lang ang problema ko. But then, she's also gradually warming up towards me. Siguro ay napapakiusapan ng kanyang kuya.

Seeing them both happy and contented as they reminisce the past, hindi ko naiwasang hindi malungkot. Kasi kung napag-alaman lang nilang dalawa na magkapatid pala sila, sana ay nakapag-reunion kayong tatlo. Kahit kayong tatlo lang muna noon. Nandoon din daw sa graduation ni Rona si Rick, eh. He went there for his cousin who graduated in the same year as your bunso. Ang sabi pa ng prinsesa mo, she went to him before she marched to the venue with the other graduates. Nagkita raw sila sa entrance ng university. Being a gentleman that he was, he simply congratulated your bunso kahit na she was hinting on asking him for a dinner date! Haha! Mantakin mo iyon? Sobrang gutsy ng iyong prinsesa! Ang nagagawa nga naman ng kabiguan sa pag-ibig! Pero kidding aside, ang laking tulong daw ng presence ni Rick para ma-overcome niya ang nangyari sa kanila ng kanyang first love. Somehow, it warmed my heart. Alam kong kahit sa kahuli-hulihan ng iyong hininga ay iyon ang inalala mo. Base nga sa iyong sulat labis-labis na nasaktan noon si Rona sa ginawa ng kanyang childhood sweetheart. Dasal ko na balang-araw ay hayaan niya rin akong punan ang mga kakulangan ng kanyang tunay na ama sa kanya. I want to be a father to her, too. Kahit sa aspetong iyan lamang ay mabigyan ko siya ng consolation sa mga nangyaring kabiguan sa kanyang buhay.

Ang dami ko pa sanang gustong sabihin sa iyo, pero kinailangan na naming lumabas ni Estong. But as I was hurrying to finish this letter for you, Rick came to our table and stopped just in front of me and said, "Dad? Dad! Why do you look like that?"

Hindi na kami nakapagkaila ni Estong. Sinabi na lang naming may iniiwasan kaming bidder ng isang project namin sa Davao na nandoon din sa restaurant nang gabing iyon. Ang bidder kasing iyon ay sobrang agresibo at gusto pa akong suhulan just to get the contract, paliwanag ko pa. Hindi ko alam kung napaniwala ko siya. But just the same, dali-dali na kaming umalis ni Estong doon. Nag-abala pa kaming mag-disguise, nabisto rin pala. Haha!

I'll keep you posted about our children. I love you. Always remember that.

Your Big Dadd forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon