Dear Baby Girl,
There is nothing wrong with how you brought up your daughter, Rona. Kung nagkataon pang nasa tabi mo ako noon, masahol pa riyan ang ginawa ko. Siguradong spoiled siya sa akin. Haha! I do not know why, lately naniniwala na akong sosorpresahin mo ako sa huli mong sulat at sasabihing you lied to me all along---na akin talaga si Rona. I cannot wait to read the rest of your letters! Kaso nga lang, there were times na hindi ko kayang tuluy-tuluyin ang pagbabasa dahil sumasakit ang aking dibdib. Tulad ngayon. When you mentioned about how much you wanted to hug our panganay, pati ako'y naging emotional din. Naramdaman ko rin ang pighating pinagtiisan mo nang matagal.
Oo nga pala, mayroon na namang pinakilala kanina ang aking imbestigador. Ang isa'y Ricardo Ramirez pa talaga ang pangalan! Imagine that? Ka-apelyido mo! Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang mapag-alaman ang kanyang legal name. Subalit hanggang doon lamang iyon. Nang makita ko'y wala akong naramdaman. Maputi ang bata, matangkad din katulad ko, siguro'y nasa anim na talampakan at tatlong pulgada, saka mukhang may lahing Kastila. Sabi nga ni Estong, ang private detective ko, kapain ko raw nang maigi sa puso ko dahil natitiyak niyang iyon na nga raw ang ating anak. Lahat ng binigay mo kasing impormasyon ay nasa kanya. Inampon siya ng mag-asawang hindi nagkaanak kailanman. Ang mga kinikilala niyang magulang ay mas matanda sa atin ng kung ilang taon. At katulad ng adoptive mom kamo ng ating si Baby Tanglaw, malapit din daw sa dating First Lady ang mommy niya. Higit sa lahat, doon din siya nag-aral sa paaralang sinasabi mo sa sulat na pinag-aralan ng ating panganay. Ang hindi lang magkatulad sa kanila, itong si Ricardo Ramirez ay doon mismo nagtapos ng high school samantalang ang anak natin ay nag-transfer kamo.
The other Ricardo is not really a Ricardo. He goes by the name Richard Alejandro. Isinama na rin siya ni Estong dahil katulad ng Ricardo Ramirez na iyon, may hawig din daw sa akin although I couldn't see it myself. Ang basic information na binigay mo ay naroon din sa kanya subalit I couldn't feel that 'lukso ng dugo'. Wala akong naramdaman nang makita ko sila pareho. They were just strangers to me. Ang sabi nga ni Estong, baka affected lang daw ako ng sarili kong expectations. Na kailangan talaga may maramdaman ako kapag nakita ko na siya kaya raw siguro ay ganoon ang pakiramdam ko. Naniniwala kasi ito na nakita na niya ang hinahanap natin. Malakas daw kasi ang kutob niya na si Ricardo Ramirez na nga raw ang Baby Tanglaw natin. Baka raw nilansi ka lang ng school administrators at pinaniwalang nag-transfer ng school ang bata para hindi mo na gambalain pa. Ewan ko ba. Pumayag na lang ako magpa-DNA kaming tatlo. Sana nga ay isa sa kanila ang ating anak kahit na deep down pakiramdam ko totoo ang aking gut-feeling.
Kung mabibigo na naman ako sa kanila, itutuloy ko pa rin ang paghahanap. Wala akong pakialam kung hanggang kailan aabutin ang aking paghahanap. Hindi ako susuko hangga't makadaupang palad ko ang ating panganay. This time I will not let you down, my love.
I love you.
Your Big Daddy forever,
Greg
BINABASA MO ANG
DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]
RomanceGreg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and Luke's story and part of the NORDIC SERIES. Sana suportahan n'yo rin ito. :) Cover from WattpadPab...