BATTLE 45
Cael's POV
(a/n: Cael's picture below.)
"Andito na ba lahat?"
Napatingin kami kay Mr. Usher na kakapasok lang ng pinto kasama si Ms. Rinne, Ms. Krystel pati si Mr. Shin at Mr. Trevor.
"Yes po Mr. Usher." -Ash
"Sige. Pasensya na kung in the middle of Christmas vacation tsaka ako nagpatawag ng meeting. Eto lang kasi ang oras natin para mag usap usap." -Usher
Andito kami sa bakanteng condo unit ni Mr. Shin. Kay Mr. Shin tong condo building na to at dito talaga kami nagkikita kita pag nagpapatawag ng meeting si Mr. Usher or Ms. Rinne. Christmas vacation na namin pero nag patawag ng meeting si Mr. Usher sa grupo namin kasi may mahalaga daw kaming pag uusap. Sampu lang kami na bumubuo ng alyansang ito at kami kami lang din ang nakakaalam tungkol dito. Lahat kami may iisang hangarin lang. Ang maiwasan ulit ang nangyare 8 years ago. Nung una, ang gusto lang namin mangyare ay pigilan na magkagulo ulit ang mga mafia at gangster. Desidido si Mr. Black para patumbahin ang mga mafias at si Ms. Rose naman, may balak din laban saaming mga gangsters. May kanya kanya kaming mundo at magkaibang magkaiba ang mundo namin kaya hindi na kelangan mangyare pa ulit ang nangyare noon. Pero ngayon na nalaman namin na bumalik ang The Assassins, gagawin namin ang lahat para pigilan sila sa mga binabalak nila. Wag na sila makigulo pa kasi di kami magdadalawang isip na patayin sila.
"Okay lang po yun Mr. Usher." -Blue
"Anong paguusapan natin Mr. Usher?" tanong ko kay Mr. Usher.
"May nakuhang impormasyon si Rinne tungkol sa nangyare 8 years ago. Baby ikaw na magsabi sakanila." -Usher
"Nasabi ko na din eto Ms. Ashford at mukhang hindi na makakapaghintay si Ms. Ashford na matapos ang school year ng Rose Ashford Black University bago niya iambush ang Black Piece Society pati na din ang The Assassins. Ang alam ng The Assassins, itutuloy ni Ms. Ashford ang alyansa sakanila na ang totoo talaga niyan ay magsisilbeng front lang ang pakikipag alyansa ni Ms. Ashford sa The Assassins laban sa Black Piece Society. Pero nang dahil sa nalaman niya, nagbago ang isip niya."
"Ms. Rinne, may I ask if the information that you got about what happened 8 years ago involves the assassins?"
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?