Battle 40: Intramurals (Day 1)

420 15 0
                                    


BATTLE 40


(a/n: Hi guys! Sorry for the long delay of update. Medyo busy lang ako this summer at nawriter's block kasi ako sa sobrang daming inaasikaso hahaha. Ilang chapters na lang at matatapos na ang MHVGU finally! Anyway, expect that this chapter will have a long update so sana di kayo maumay magbasa hahaha enjoy reading!)


Christian's POV


Simula na ng Intrams ngayong araw at nandito kami sa student council building namin. Kami pa nga lang ang nandito sa Rose Ashford Black University eh. Pano ba naman, sabi ni Dwican dapat nandito na daw kami pag alas singko ng umaga! 7am sharp daw kasi magsisimula yung opening ceremony pero may mga kelangan pa daw kami pag usapan at sabay sabay na daw namin susunduin sila jagi. Sa iisang bahay na daw kasi nakatira yung pito kaya yun, susunduin namin sila mamaya pag 6. May mga nagbago din sa schedule ng school activities this week kaya naging busy talaga kami last week. Bale ngayon at bukas ang intrams. Sa pangatlong araw naman yung School Festival at Pageant Night. Halos kami lang din ang nagasikaso para sa intramurals kasi pinagpahinga muna namin sila jagi kaso makulit sila eh. Sila ang nag organize ng School Festival at Pageant Night. 


Pero maliban dun, may isa pa kaming pinagkabusyhan last week. May nagpadala kasi ng sulat samin galing sa Fin group of Assassins. Sila daw ang may kagagawan nun kela jagi. Galit daw sila sa gangsters kaya nagbabalak sila maghiganti at balang araw daw ay magkakaharap harap kami ulit. Bakit 'ulit'? Sabi kasi dun sa sulat, pumunta daw kami dun sa address na nakalagay sa sulat. Pumunta kami at isang abandonadong gusali lang ang naabutan namin. Akala nga namin mapapasabak kami kasi bigla ba naman daw kami pinagbabato ng kunai at shuriken nung nasa pinto na kami nung gusali! Buti na lang nakaiwas kami eh. Pero parang sinadya nila na di kami patamaan. Pag pasok namin, apat silang babae na nakatayo. Lahat sila parang mga ninja ang damit. Naka mask at may mga samurai sa likod. Pano namin nalaman na babae? Di sila naka hood eh. Nakapuyod yung mga buhok nila at nakaeye liner sila. Malamang babae yon. Akala din namin, susugurin kami pero hindi. Nag tapon sila ng smoke grenade at nung nawala ang usok, wala na sila. May iniwan lang sila ulit na sulat at yun na nga ang sabi nila. Balang araw daw ay magkakaharap harap kami ulit sa nakatakdang oras. Sa ngayon daw ay mag ingat kami kasi marami daw kaming kalaban sa paligid. 


"Tangena inaantok pa ko seryoso." -Raemar


"Bakit kasi sa ganitong oras pa tayo mag uusap?! Pwede namang mamaya na lang pag bakante na tayo lahat eh." -Glenn


"Yeah. I'm still sleepy too." -Rence


"Sus lagi ka namang inaantok." -Raemar


"Mismo." -Mel


"Hahahaha basag ka Rence! Wawa---"


Di pa ko tapos magsalita nang biglang itutok saakin ni Rence yung katana na hawak niya. Gagong Rence to! Itutuok daw ba saakin yung katana?! At akala ko ba wooden katana ang gagamitin sa sword fight mamaya?! 


"Shut up Christian or else I'll slit your throat with this katana." -Rence


Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon