BATTLE 20
Christian's POV
Nandito kami sa clinic para sa mga seniors. At sa totoo lang para kaming nasa hospital room. Nakadamit kami ng pampasyente! Ewan ko ba dun sa mga babaeng yun! Ayaw nga sana namin pumayag kaso takte nakakatakot yung mga titig eh. Di na nga namin tinapos yung orientation kasi bigla silang nag aya na lumabas na daw kami ng auditorium.
*FLASHBACK*
"Guys, labas muna tayo." –Mhadz
"Teka di na ba natin tatapusin ang orientation?" –Dwican
"Just follow what Mhadz said." –Chezka
Napatango kaming lima at nauna ng lumabas ang limang babae. Bigla kaming kinilabutan kasi ang seseryoso ng mga mukha nila. Di naman sila ganito kanina pag labas namin ng student council building nila ah? Sumunod na kami at nakita naming naghihintay silang lima sa labas at ang seseryoso pa ng mukha nila.
"Why are we here? The orientation is not yet done." –Rence
"You guys go to the clinic and rest there for 1 hour. End of conversation."
"And why? We're okay babe---"
Di ko pinatapos si Rence at kumontra din ako agad.
"H-ha?! Okay na kami---"
"I said END OF CONVERSATION."
Di ako pinatapos ni Chezka at sinamaan ako ng tingin ni Mariela. Paking shet bat naging Ice at Chezka the 2nd silang lahat?! Pati si jagi nakakakilabot tumingin! Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.
"Sumunod na lang kayo jusko. Hindi pa kayo okay kaya wag ng matigas ang ulo. Kokontra at aangal pa eh. Obvious na nga na hindi pa kayo okay. Ang kukulit at ang titigas ng ulo. Whether you like it or not, magpapahinga kayo sa clinic. Kasi siguradong hindi kayo magpapahinga sa student council building niyo pag dun namin kayo pinadiretso." –Mariela
"Mariela girl is right. You guys are clearly not okay. Kuya Rae is paika ika pang maglakad so your foot is not okay Kuya Rae. Christian still has the bandage on his waist pa nga eh. Rence's right arm is still bleeding. Glenn's cuts are fresh pa. And Dwican's bruises are still swollen pa. SO YOU GUYS ARE CLEARLY NOT VERY OKAY." –Selene
"S-sabi ko nga." –Raemar
"Baka yan ang definition ng okay sakanila. Tss. Pero kelangan niyo talaga magpahinga ng isang oras sa clinic para magtake effect yung water medicine na binigay namin sainyo. Gusto niyo ba mabaldado kayo forevs? And besides, ang papangit niyo sa itsura niyong yan tapos papasok kayo? First day na first day ang pangit niyo." –Ice
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?