Lumabas muna ako sa kwarto nila Reese at pumunta sa kung saan may vending machine para kumuha ng kape. Anong oras na din kasi. Medyo dinadalaw na ko ng antok at kelangan ko pa bantayan sila Reese. Pano ko nalaman na nandito sila? Nakatanggap kasi ako ng text galing sa unknown number at sabi sa text ay nandito daw ang Athena's Mafia at nagaagaw buhay. Dali dali akong tumawag dito sa Kim Hospital at ni-confirm ko kung totoo ba na nandito sila Reese at ang mga kaibigan niya. Pumunta ako dito agad nung naconfirm ko na totoo nga at tinawagan si Ms. Rose. Sa totoo lang, di ko alam kung kaninong number yung nagtext. I tried calling the number pero ang sabi 'the number you dialed is incorrect'. Hanggang ngayon ay inaalam pa nila Achilles at ng iba pang caporegime ni Ms. Rose kung sino ang may pakana ng pag bomba sa isa sa trading port ng Ashford Mafia pati na din ang pag lason sa Athena's Mafia.
Pakiramdam ko kasi, yung nagdala kela Reese dito ay sila lang din ang may pakana ng lahat pero bakit nila nilason ang Athena's Mafia in the first place kung dadalhin lang naman nila dito para maagapan? Hihingi na din sana ako ng kopya ng CCTV sa management ng hospital nung oras na dinala sila Reese dito pero bigla daw na-corrupt ang CCTV nila at nawala ang mga footage. Malakas ang kutob ko na isa sa gangster groups ng Black Piece Society ang may gawa neto. Hindi lang yan ang inaalala ko. Ang inaalala ko pa ngayon ay baka malaman nila dad ang nangyare kela Reese. Baka masira ang mga plano namin pag nagkataon. Hindi pwedeng masira ang plano namin. Stable na din naman ang kondisyon nila sabi ng doctor but who knows when kung kelan sila magigising. Hindi din biro ang mga natamo nilang sugat. They need at least 1 week bed rest to be able to fully recover. Babalik na sana ako ng room nila Reese nang biglang nag ring yung phone ko. Si Krystel Lewis. Ang ate ni Krystal Lewis at ang best friend ko. She is one of the Caporegimes of Ashford Mafia Family.
(a/n: Krystal and Krystel's picture below.)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hello?"
"Rinnie! Oh my gosh buti sumagot ka. Achilles told me what happened. How's my sister?"
"Stable na din naman ang kondisyon niya at ng mga kaibigan niya. Di ka ba makakapunta dito?"
"Hindi eh. Bukas na ko pupunta diyan. But Rinnie, alam ko na kung sino ang may gawa neto kela Tal. Habang naghahanap ako ng ebidensya dito sa trading port, I saw a business card of Mr. Black Smith. At sigurado ako na isa sa gangster groups ng Black Piece Society ang may gawa neto."