Battle 29: Date

472 16 1
                                    



BATTLE 29


Raemar's POV


Habang naghihintay kami para sa laban namin sa Premeros Gang, lumabas muna kami ng Underground at nagpahangin sa labas. Nagpahinga din muna ako kasi may laban pa kami mamaya. Di ko din hawak phone ko ngayon kaya eto ako nagmumuni muni lang. Pinaiwan kasi ni Dwican sa mga kotse namin yung mga phone namin kasi baka daw madistract kami. Sus baka siya ang madistract kay Mhadz. Pero sa totoo lang, miss na miss na namin sila. Miss na miss ko na si Ella. Since last week pa kasi namin sila di nakakausap kasi nagtratraining kami para sa Tournament. Halos isang buwan din kami di nakapag bonding dahil sa training namin at last week di na namin sila nakakausap sa call. Hanggang text lang kami. Naalala ko tuloy yung date namin ni Ella last week. Dun ko din nalaman na ex niya pala si Calibre at di pa nakakamove on ang gago kaya gigil na gigil saakin kanina sa battleground.


*FLASHBACK*


Nasa lobby na ako ng condo habang naghihintay kay Ella. Kinakabahan ako. Ngayon ko na kasi siya tatanungin kung pwede na ba manligaw. Kinuha ko naman sa bulsa ko yung bracelet na ibibigay ko sakanya. Suot ko yung kamatch ng bracelet niya. Blue saakin at red sakanya. Bale couple bracelet kami kung sakali. Tinago ko na ulit sa bulsa ko yung bracelet at tetext ko na sana siya ng may biglang humawak sa balikat ko.


"Hey Raemar!"


Si Ella pala. Shet ang ganda niya ngayon. Pareho kami nakacheckered na blouse. Red checkered blouse sakanya at may pangilalim sa loob at nakablue blouse naman ako at naka black shirt na pangilalim sa loob.


"H-hi Ella."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Tara na?" 


"Tara."


Tumayo na ako at maglalakad na sana ng bigla siyang kumapit sa braso ko sa right side. Sa kaliwang paa kasi yung brace kaya nasa kaliwang kamay ko yung saklay. Bat pakiramdam ko biglang nanginit pisngi ko? Nakakabading amputa.


"Hey okay ka lang Raemar?"


"O-oo naman. Tara na."


Naglakad na kami ni Ella papuntang kotse niya. Bubuksan ko na sana yung pinto sa shot gun seat ng bigla siyang kumalas sa braso ko at siya ang nagbukas ng pinto sa shot gun seat. Diba dapat lalake ang gumagawa nun?!

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon