Battle 14: Advantage

1.9K 65 5
                                    


(a/n: Short update lang to since sobrang magiging mahaba ang update ko sa Battle 15.)


BATTLE 14


Glenn's POV


Kakagising ko lang kaya agad agad kong tinawagan si Ice. Nakailang ring pa lang at sumagot na eto. Shit naeexcite ako!


"Hello? Glenn?"


Pati talaga boses ni Ice nakakainlove eh.


"Good morning Ice. Nagbreakfast ka na?"


"Good morning din Glenn. Hindi pa eh. Ikaw ba?"


"Hindi pa. Kakagising ko lang. Kumain ka na. Wag magpalipas."


"Sige lang. Di pa naman ako gutom eh. Maaga kasi kaming student council pumunta sa school. Uhh nabalitaan mo na ba?"


"Kahit na. Kumain ka na agad pagkatapos netong tawag ko. Huh? Nabalitaan ang alin?"


"W-wala wala. Itetext na lang kita Glenn. May kelangan pa kaming gawin eh."


Ang lumbay ng boses ng Ice ko. Bakit kaya?


"O sige. Ingat ka ha? Tawagan kita mamaya. I love you Ice."


Para akong timang na nakangiti kahit di niya naman nakikita ang ngiti ko. Totoo kasi na mahal ko na siya. Okay lang na di siya magsabi ng "I love you too" basta ang importante maparamdam ko sakanya na mahal ko siya.


"Opo. Bye."


"Bye din."


Pagka end ko ng tawag, sakto namang may tumatawag. Si Christian lang pala.


"Oh bebe Lee bakit? Ang aga aga nambubulabog ka. Gusto mo ba magdrop by dito sa condo? Hihi."


Ang sarap talaga asarin ni Christian.


"Ulul. Tangina neto! Bat nandiyan ka pa? Di ka ba papasok?"


"Nakahiga pa ko! Oo pero balak ko magpalate."


"Gago bumangon ka na nga diyan! Nagpapatawag ng meeting si Mr. Black sa meeting room niya. 9am daw."


"At bakit naman ang aga? Di ba pwedeng itawag niya na lang o itext o i-email?"


"Wag ka na magtanong. May kelangan daw siyang sabihin saatin."

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon