BATTLE 22
Mel's POV
Lunch time na at gising na kaming lahat ng boys kasi ginising na kami ni Mariela, yung nililigawan ni Christian. Papunta na daw dito yung ibang girls. May mga dala daw na lunch. Pft nakakatawa nga eh. Di namin ineexpect na ang no. 1 gang sa Asia ay magiging ganito pag dating sa pag ibig. Na inlove ang mga ugok. Siguro may something sa mga babaeng to kaya naging mga lover boy tong mga kaibigan namin. Nung party pa lang, panay titig na kaming natirang top 9 gangs sa Solitaire Gang lalo na nung kasayaw nila yung mga girls sa dance floor. Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko nung party ay si Selene Artemis. Alam kong siya si Reese Artemis. Ang nawawalang kapatid ni Raemar. Nakatatak pa rin sa isip at puso ko lahat na tungkol sakanya. Pati itsura niya. Kung pano siya ngumiti, sumimangot, ngumuso, umiyak, malungkot, tumawa, magalit, magtampo. Lahat. Lalong lalo na ang mga masasayang alaala namin noon bago pa nangyare ang kaguluhang iyon ilang taon na ang nakaraan. Sobrang saya namin. Simula pagkabata pa namin magkakaibigan na kami. Lalo na kaming tatlo nila Raemar at Reese. Ree pa nga tawag namin diyan kay Reese eh. Rae ang tawag niya sa Kuya Raemar niya at Mee saakin. Gay shit pero okay lang. Siya naman ang tumatawag saakin niyan eh. Ang Ree ko. Ang anghel ng buhay ko. Lalo na nung nagduda ako kung siya at si Poisonous Moon ng Athena's Mafia ay iisa lang dahil sa nangyari noon...
*FLASHBACK*
Ilang taon na ang nakalipas pero parang ang fresh pa ng pangyayare. Kitang kita namin ni Raemar kung pano nawala ng parang bula si Reese sa harapan namin. Naalala ko lang si Reese bigla kasi last na punta naming Japan, kasama namin siya. Pamilya nila at ang pamilya namin. Andito kasi kami ngayon ni Raemar sa Japan. May pinapagawa saamin si Mr. Black dito sa japan. Kaming dalawa ang pinadala dito ni Mr. Black. Magkaiba kami ng gangster group pero kahit ganun, magkapatid pa din ang turingan namin. So ayun nga, hinati kami sa tatlong grupo ni Mr. Black. Si Dwican, Rence at Mervito nasa Beijing. Si Mervito ang ka-gang ko. Si Christian at Glenn naman ay nasa Seoul at sila nila Raemar, Dwican, Rence, Christian, Glenn ang magkagrupo. Nahinto kami sa panunuod nang biglang may tumawag sa viber ko. Pumunta akong terrace at naiwan si Raemar sa loob.
"Hello?"
"M-mel pre. Si Mervito t-to."
"Oh ano balita? Anong nangyare sainyo?"
"W-wala ang Athena's Mafia dito pero may nakalaban kaming mga m-mafia reaper kanina. Tangina napasabak kami."
"Ano?! Sugatan ba kayo? Alam na ba ni Mr. Black?"
"N-nakipagbarilan kami kanina. Nadaplisan lang kami. Pero daplis lang to. Hindi pa alam ni Mr. Black. Pre may ibabalita ako sayo. Magingat kayo mamaya. Iba ang galaw ng mga mafia reapers kuno na nakalaban namin. Pang assassin ang mga galaw nila. Nakausap na rin namin sila Christian at Glenn at napasabak din sila nung isang araw. Siguradong nagpapanggap na mafia reaper din ang nakalaban nila dahil grupo din ng kababaihan yun pero pareho saamin, pang assassin rin daw ang galaw ng mga nakalaban ni Christian at Glenn sa Seoul. Pre sinasabi ko magingat kayo. Napakalaki ng posibilidad na nandiyan ang Athena's Mafia sa Tokyo."
Fuck. Dalawa lang kami ni Raemar. Lima ang Athena's Mafia. Nakakabading pero di namin sila kakayanin lima.
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?