Battle 16: The Party (Part 2)

2.3K 68 3
                                    


BATTLE 16


(a/n: Rose Ashford, Black Smith and Sena Ashford's picture below.)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Third Person's POV


Naunang dumating sila Madelyn at Dwican. Pagkapark nila ng kotse, naglakad na sila sa red carpet. Nakakabit naman sa braso ni Dwican si Madelyn. Maraming paparazzi kaya todo ngiti at kaway si Madelyn habang nakapoker face lang si Dwican. Pagkarating sa dulo ng red carpet, pinatayo sila sa parang board at may mga nakalagay na "Maffet Ashford High and Gannon Smith University's partnership" tapos sa pinakataas, may nakalagay na Rose Ashford Black University. Pagkatapos sila picturan ng picturan ng mga paparazzi, pumasok na sila sa hall na sobrang daming bisita. May nakita naman sila na dalawang magkahiwalay na table na may nakalagay MAFFET ASHFORD HIGH REPRESENTATIVE tapos sa kabila, GANNON SMITH UNIVERSITY REPRESENTATIVE kaya naghiwalay na sila Madelyn at Dwican at umupo sa upuan na nakaassign sakanila. Nagsidatingan na rin yung iba pa. Sunod na dumating si Glenn at Ice habang nakaakbay pa rin si Glenn kay Ice at nakapulupot sa bewang ni Glenn yung kamay ni Ice kaya mas dinagsa sila ng mga paparazzi. Pumwesto na rin sila dun sa board. Sunod ay sila Chezka at Rence na magkahawak ang kamay na naglakad sa red carpet. Kahit nung pinatayo sila dun sa may board ay magkahawak pa rin ang kamay nila. Dumating na rin sila Reese at Raemar. Nakakabit din ang kamay ni Reese sa braso ni Raemar. Todo ngiti naman si Reese at Raemar lalo na nung pinapwesto na sila sa board. Sunod na dumating ay si Christian at Mariela. Nakapulupot lang sa bewang ni Mariela ang kamay ni Christian. Pinapwesto na rin sila sa board kaya todo ngiti rin yung dalawa.


Nung kompleto na sila Madelyn sa table, nagbeso beso silang lima. Yung mga boys naman ay nagkamayan. Di na nakakapagtaka na lumilitaw talaga ang kagandahan at kagwapuhan nilang sampu kaya todo picture pa rin sakanila ang mga paparazzi na nasa loob. Natigil lang sila ng nagsilabasan yung ibang paparazzi at reporter kaya sumunod na yung iba.


"Nandun na daw si Mr. Black Smith!"


"Nakasakay daw sa black limo niya! Tara!"


Maya't maya ay nakarinig na naman sila ng matindeng commotion.


"Uy tara na! Dumating na daw si Ms. Rose Ashford!"


"Kasama daw yung kapatid na si Ms. Sena Ashford!"


Nung nakapwesto na si Mr. Black sa board at iniinterview siya ng ibang reporters at pinipicturan siya ng mga paparazzi. May pumarada naman na white limousine at pumwesto na rin ang mga body guard ni Ms. Rose Ashford na mga naka men in black para harangin ang mga paparazzi at reporter na makalapit kay Ms. Rose. Pagkabukas ng limo, may iniluwa na babaeng nasa mid-30's na nakalong gown with long sleeves. Halata mong mamahalin ang suot na damit neto. Nakataas ang buhok neto at kitang kita ang hikaw na pabilog made of diamond. Nakasuot ng choker diamond necklace ang babae at halatang mamahalin eto. Nakasuot ng white silver heels na gawa sa diamond si Ms. Rose. Habang naglalakad siya, mahahalata mong isa siyang napaka makapangyarihan na tao at hindi siya pangkaraniwang babae lamang. Napatingin si Mr. Black Smith kay Ms. Rose at literal na napanganga pero agad niya namang binawi. Nagtama ang paningin ng dalawa at nang makarating si Ms. Rose sa may board kung saan nakatayo si Mr. Black, sinalubong siya ni Mr. Black at hinalikan ang kamay neto.

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon