Battle 35: Poisoned

427 14 1
                                    


BATTLE 35


(a/n: bgm - play the video at the multimedia box.)


Rence's POV


"Kaya pa Jack? Mukhang susunod ka na kay Thunder ah. Tsk yabang niyo kasi."


Tiningnan ko si Tanner na naghahabol ng hininga kaya napangisi ako. Susunod kay Thunder? Naisahan niya lang si Thunder kanina dahil sa baseball bat na dala dala niya sa loob ng battlegrounds. Pero ngayon, siya tong halos maghingalo na habang naghahabol ng hininga niya. He's strong but he will never be able to defeat me.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dream on loser."


Tumayo ako at nagpakawala ng leopard punch sa may ilalim ng baba niya kaya napaatras siya. Sinugod niya ako ulit at nagpalitan lang kami ng suntok tulad kanina. Eto ba ang tactic niya? Ang pagurin ako para matalo niya ko? Pft. Hinding hindi yan gagana saakin. Nagpakawala siya ng hook punch kaya nagkunware akong magpapasuntok sakanya pero bago pa lumanding yung kamao niya sa mukha ko ay inunahan ko na siya. Hinarang ko agad yung atake niya at nagpakawala ng punch sa mukha niya. Di pa ako nakuntento kaya bumwelo ako at nag front knee strike sa tagiliran niya. Kulang pa yan sa ginawa niya kay Mel kanina. Ganun ba siya katakot kay Mel at nagdala pa siya ng baseball bat dito sa battlegrounds. Pinalo niya sa likod kanina si Mel kaya kulang na kulang pa tong ginawa niya ngayon.


"What now loser? Kaya pa?"


Dahil sa sobrang gigil ko ay pinagsisipa ko pa siya sa tagiliran. 


"Oy Jack tama na!" -Spade


 Gusto ko makita ang takot sa mga mata niya.


"Baka mapatay mo yung tao!" -Ace


 Gusto ko makita siya na nagmamakaawa saakin.   


"I said SWITCH! That's enough Jack!" -King


Kulang na kulang pa to sa ginawa niyang pagpapalo sa likod ni Mel kanina. Kung gigil siya kay Mel kanina, pwes mas gigil ako sakanya ngayon!


"SINABING TAMA NA EH!"


Natigil ako sa pagsipa kay Tanner nang biglang may tumulak saakin at dinambahan ako kaya napahiga ako. Pinagsusuntok naman ako ng nasa harapan ko kaya wala akong ibang nagawa kundi harangin ang mga pinapakawalan niyang suntok. Fuck di ko napansin na nagswitch na pala.

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon