Battle 24: Assassin's Hideout

1.2K 45 6
                                    


BATTLE 24


Ice's POV


Nandito ako ngayon sa working room ko sa bahay naming pito nila gf. Actually nasa loob lang to ng mismong bedroom ko, Kumbaga, may isa pang room yung bedroom ko sa loob which is yung working room ko. Lahat kami busy. Nakapagplano na kasi kami kagabi tungkol sa pinapagawang mission saamin ni Ms. Rose. That is to destroy the 15 hideouts of The Assassins and she gave us one week to prepare. Sa totoo lang, napadali yung mission namin kahit papano. Reese girl found out kasi na may sumira na sa limang hideouts ng The Assassins this week lang. At napagalaman namin na grupo ng gangsters ang sumira nun. So we still have 10 hideouts to destroy. Thanks to them, napadali ang misyon namin. But it will never change the fact that they are still our enemy. Hindi sa pinanghihinaan ako ng loob ah but I am aware, I mean, we are all aware what The Assassins are capable of. Napatay na ni Ella at Krystal yung mga dating kagrupo nila na assassins pala at may mga nakuha din silang infos tungkol sa The Assassins which is inaasikaso na ni Reese girl ngayon. Siya ang in charge sa important documents diba?


Si gf, siguradong ang inaasikaso nun ay ang mga gagamitin naming baril at combat knives sa mission namin. Si Chizka naman, hinahack na nun yung security system ng sampung hideouts ng The Assassins. At binabawi din ni Chezka yung mga ni-hack na bank accounts ng The Assassins. Then si Mariela ay nageexperiment na naman yun ng mga poisons, toxins, antidotes and etc na pwede naming magamit sa mission namin. Buti na lang binigyan siya ni Ms. Rose ng mga chemicals na gagamitin para sa mga poisons/antidotes/toxins niya. Pagkatapos ni Mariela, pupunta siya dito sa working room ko kasi may bagong poison siyang nagawa at may bagong gadget din akong naimbento kaya we'll try to make a gadget with usable poison/toxin/antidote. Buti na lang at binigyan din ako ni Ms. Rose ng mga pyesa at equipments na pwede kong magamit sa mga gadgets na gagawin ko. While Ella and Krystal are still gathering information about The Assassins. 


I miss Glenn. Kamusta na kaya sila? Okay na ba sila? Sana okay na sila. Lalo na si Glenn ko. Isang week kami di makakapagbonding ng maayos ts. Bwiset talaga kasi yung mga gumawa nun sakanila! Once na matapos namin tong mission namin sa The Assassins, sila ang isusunod naming totodasin at mas doble pang sakit ang ipaparamdam namin sakanila! Kung may galit man sila saamin, di nila kelangan idamay sila Glenn. Di talaga ako naniniwala na napaaway lang sila nang dahil sa gusto nakawin yung mga motor nila. Halata namang nagsisinungaling sila Glenn. Masyadong mababaw yung rason. At masyadong malala yung mga natamo nilang sugat. Kaya mananagot talaga yung mga gagong gumawa nun sakanila tsk. Kung di nila saamin sasabihin yung totoong nangyari, kami mismo ang aalam. We love our boys so much at mas lalo na kaming na-aattach sakanila. And as mafias, we need to protect our loved ones. Whatever it takes. Kahit buhay pa namin ang kapalit, we'll do everything to protect them.


------


Shit nakakapagod. Apat na ang nasira naming hideout ng mga The Assassins. Marami na rin kaming napatay na mga assassins. May mga tinira kami at tinago muna namin sa hideout ng mga Powerful 10. May kelangan pa kami sakanila at may mga aalamin pa kaming impormasyon. Luckily, walang nangyareng masama saamin for the past 4 days simula nung isa isa naming pinabagsak yung apat na hideouts ng The Assassins. May mga natamo lang na pasa, sugat at daplis pero mabilis yun maghilom lahat dahil sa mineral water na may antidote at pain reliever galing kay Mariela. Ngayong gabi, may gaganapin na underground transaction sa pagitan ng mga business tycoon at iba't ibang Mafia families. Saan gaganapin? Sa isang cruise ship at yung cruise ship na yun ay isa sa hideout ng The Assassins. Sinabi saamin ni Reese na siguradong may mga The Assassins mamaya na magpapanggap bilang mga business tycoons. Di namin alam kung aware ang mga dadalo na mafia na ang venue ng party ay isa sa mga hideout ng The Assassins kaya dapat lahat ng mga Mafia families sa loob ng venue ay makaalis na bago pa namin magawa yung pinapagawa saamin ni Ms. Rose. Masquerade daw yung theme ng party kaya lahat kami ay nakasuot ng mask at long gowns.


"Isuot niyo na yung Stealthcom Walkie Talkie niyo at patakan niyo ng ID bago tayo pumasok ng cruise ship para hindi siya kita. Isang oras naman yung ID diba? Kaya natin magawa yung mission within 1 hour. Third Empress, ikaw ang incharge sa control room. Nahack mo na ba yung security system nila?"


"Yeah." –Third Empress


"Good. Hintayin mo si Moon sa control room bago kayo pumunta ng exit."


"Sure." –Third Empress


"Poisonous Moon, ikaw ang magmanman sa 2nd floor ng cruise ship. At yung pinapaasikaso ko sayo?"


"The Bat and Spy Kite are already in set-up Pain. Hindi maabot ng explosion ang The Bat and Spy Kite because I have the remote control with me." –Poisonous Moon


"Nice. 15 minutes before the explosion, dapat magkasama na kayo ni Third sa loob ng control room at sabay kayo lalabas ng cruise ship."


"Okay Pain." –Poisonous Moon


"Chi Hunter, did you bring several PTXTrax Tracking Device?"


"Yup." -I answered


"That's great. Using the walkie talkie, sasabihin ko sayo kung sino yung mga lalagyan mo ng tracking device mamaya sa party. Ikaw at si Doll Sorcerer ang magmanman sa 3rd floor. Mauuna si Doll sayo sa 3rd floor kaya pagkatapos ng papagawa ko sayo, umakyat ka agad. Okay?"


"Roger that."


"Doll Sorcerer, how about the Smoke Bombs3D?"


"I have them with me Pain." –Doll Sorcerer


"You know what to do after 1 hour. Kayo ni Chi Hunter ang magmamanman sa 3rd floor. Hintayin mo siya then sabay na kayo aalis ng 3rd floor 15 minutes before the explosion."


"Yes Pain." –Doll Sorcerer


"Okay. Sweet Venom and Toxic Lips, kayo ang magmamanman sa ground floor ng cruise ship then 20 minutes before pasabugin ni Doll yung Smoke Bombs3D. Alam niyo ang epekto ng Smoke Bombs3D pero this time, hindi lang siya basta bastang smoke bombs. Bomba talaga siya. Kaya dapat nasa may EXIT 3 na ng cruise ship yung speed boat natin at kayo ang magooperate nun at dapat 10 minutes before the explosion, lahat tayo nasa speed boat na. May anim na exit yung cruise ship pero sa paglabas natin ng EXIT 3 dapat nakapwesto yung speed boat. Kayo na bahala dun Venom at Toxic."


"Yeah sure. / Not a problem." –Sweet Venom and Toxic Lips


"So we're all set. Did you bring your guns and knives with you?"


"Yes Pain." –We all said in unison


"Let's go. Remember guys, we only have 1 hour to finish this mission. We can do this." –Royal Pain


Sumakay na kami sa limousine na pinadala ni Ms. Rose saamin at pumunta na port kung nasaan yung cruise ship kung saan gaganapin yung party at underground transaction. Sana naman maging successful tong mission namin within 1 hour. Inayos muna namin yung mga baril namin sa gun pocket at pati yung mga kekelanganin namin mamaya. Pinatakan na din namin ng ID yung Stealthcom Walking Talkie namin. Inayos din muna namin yung mask namin at bumaba na kami ng limo at naglakad na papuntang entrance ng cruise ship.


"We're here." –Royal Pain


This is it. Good luck to us.

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon