BATTLE 25
(a/n: bgm - please play the video at the multimedia box.)
Madelyn's POV
Naghiwalay hiwalay na kaming pito at nagsimula na akong maglibot libot sa loob ng cruise ship. Kumuha muna ako ng cocktail drink at nagmanman sa paligid. Habang naglalakad ako at hawak hawak ko yung drink ko, may nabungo ako kaya muntikan na matapon yung drink ko.
"Careful Ms. Morgan."
Magsasalita na sana ako kaso nung paglingon ko ay nakatalikod na yung lalake. Sinundan ko ng tingin yung lalake at nakita kong nagsmirk siya. He has a long hair katulad ng kay Mr. Black pero mahaba haba lang sakanya ng konti. Kalahati lang ng mukha ang natatakpan ng mask kaya nakita kong medyo chinito siya. Who the hell is that guy and how did he know my name?! I better find out later. Nilagay ko na yung wine glass sa isa sa mga mesa at umakyat na ako sa 4th floor ng cruise ship. Pupunta ako mismo ng underground transaction kaya dapat magawa ko din yung gagawin ko sa loob ng 30 mins. Sa isang kwarto magaganap yung underground transaction. Why underground transaction? Because it's illegal. They're going to trade and sell expensive guns, bombs, knives and even properties. At hindi eto ang first time na makakasaksi ako ng underground transaction sa pagitan ng mga Mafia families at mga bigatin na business tycoon. Since calculated ko ang oras, the party started at 7:30pm and it's 7:45pm in my clock. At magsisimula yung underground transaction by 8:00pm. As expected, wala pang bantay sa labas ng kwarto kung saan gaganapin yung transaction kaya pumasok muna ako ng kwarto at nagmanman. Nakita ko naman yung The Bat sa labas ng bintana dito sa kwarto kaya napangiti ako. Lumabas na ako ng kwarto at pumasok sa kabilang kwarto na katabi nung kwarto na kung saan gaganapin yung transaction.
Nilock ko yung pinto at dinikitan ko ng Spike Mic yung dingding. Siguradong maririnig ko lahat na paguusap nila kahit may dingding pa na pagitan. Time check 7:55pm. Nilagay ko na yung XSL ko. Hindi ko lang maririnig ang usapan nila kundi makikita ko rin ang gagawin nila. 5 minutes left at dadating na sila kaya naghanda na ako. Nakatingin lang ako sa wrist watch ko at tama nga ang hula ko. By 8:00pm magsisidatingan ang mga iba't ibang Mafia family pati na din ang mga business tycoons. Who knows kung sino sakanila ang mga nagpapanggap na The Assassins. May mga nagsidatingan na mga Mafia Boss at yung iba ay namumukhaan ko pero di ko sila lahat nakikilala gawa ng mga suot suot netong mga maskara. Si Ms. Rose ang mafia boss ng Ashford Mafia Family pero ni minsan ay di siya sumali sa mga underground transaction tulad neto. Napukaw ng attention ko yung isang nakablack suit na may kasamang apat na lalake sa likod niya. Ah! Siya pala yung nabunggo ko kanina at siya yung nakakaalam ng pangalan ko. Nagsalita naman ako sa Stealthcome walkie talkie.
"Hi guys. Royal Pain speaking. Kamusta ang trabaho niyo?"
"So far Pain wala pa kaming napapansing kakaiba ni Toxic dito sa ground floor pero nagoobserve pa din kami." –Sweet Venom
"Yup and in a few minutes Pain we're gonna prepare the speed boat. Ready na siya." –Toxic Lips
"Nalagayan ko na din ng mga tracking device Pain yung mga kahina hinalang tao kanina lalo na yung mga papuntang 4th floor kung saan gaganapin ang underground transaction. I'm on my way to the 3rd floor." –Chi Hunter
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?