Battle 47: First Dance

55 6 1
                                    


BATTLE 47


Mel's POV


Di ko alam kung ako lang ba naninibago kasi simula nung pageant night hanggang ngayong school festival, sobrang tahimik ng paligid. Hindi literal na tahimik ah pero walang gulong nangyayare. Puro nga magaganda ang nangyayare saamin ngayon. Nung nag bakasyon kami sa isa sa villa ni Ms. Ashford, nagkausap kami ni Reese tungkol sa mga nangyare sa isa't isa sa loob ng walong taon. Mas napalapit ako sakanya at marami din ako nalaman sakanya nung naging si Selene Artemis siya. Ramdam ko yung frustration niya kasi sabi saakin ni Reese, mga kaibigan niya ang una niyang naalala pero nasa panaginip niya daw palagi ang mga mukha ni Tito Rupert, Tita Luna, Ate Rinne at Raemar. Sumailalim din siya sa therapy at pagkatapos ng isang taon ng pag tetherapy, dun niya naalala si Tito Rupert. Si Ate Rinne niya daw, binisita siya pagkatapos ng dalawang taon at naalala niya na din si Ate Rinne. At mukhang si Raemar lang talaga ang di pa nakakaalam noon na buhay na si Reese pero matagal niya na daw naaalala si Raemar. Nakita niya nga daw kami ni Raemar 4 years ago pero di daw siya sigurado kung kami yun kaya di niya daw kami nilapitan. Pero bakit kaya tinago nila Tito Rupert at Ate Rinne kay Raemar na buhay si Reese? Nakakacurious lang. Naaawa din ako kay Reese kasi halata namang sobrang miss na miss niya na si Raemar pati ako hehe joke lang. Basta yun, si Raemar malamang sobrang miss niya na kasi spoiled ni Raemar si Reese kahit nung mga bata pa lang kami eh. At tsaka, nakakaawa si Reese kasi recently niya lang naalala yung pagkamatay ni Tita Luna. Ilang taon din daw siya umasa na buhay ang mommy niya.


"Mee what are you thinking? Kanina ka pa tahimik diyan ih."


Tiningnan ko si Reese habang umiinom ng iced coffee niya at hinawakan siya sa pisnge.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"You mean, who am I thinking of? Shempre ikaw. Sino pa ba?"


Nag poker face si Reese sabay hinampas ako ng mahina hahahaha ang cute niya.


"Mamaya niyan you're thinking of other girls na ha! I'll make sumbong to Kuya Rae pag nambabae ka!"


"Ree, that will never happen. Ang tagal ka naming hinanap ni Raemar. At matagal kitang hinintay tas magloloko lang ako? I'd rather die."


"Awsu bolero Mee strikes again! And you can't die Mee. Kasi I'll be the one who'll kill you pag sinaktan mo ako hmpf."


Napailing ako at kinurot ko ng mahina sa pisnge si Reese. What makes her think that I'll hurt her? Hindi ko siya kaya saktan kahit kelan. She's my first and last love.

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon