Battle 11: We Meet Again

2.8K 93 1
                                    


BATTLE 11


(a/n: Eto po ang mga codenames nila. King = Dwican, Ace = Glenn, Jack = Rence, Spade = Raemar, Joker = Christian.)


Dwican's POV


Nandito na kami ngayon ni Spade sa building ng Black Piece. Nililinis ko muna ang Smith & Wesson SW Model 500 ko at ang Arsenal-Firearms AF-1 ko habang hinihintay sila Ace, Jack at Joker. Nilagyan ko na rin ng ammunition ang magazine ng dalawang baril ko. Nagpanigurado din ako ng extra ammunition dahil paniguradong mapapasabak kami neto mamaya. Tiningnan ko si Spade na nakatulala lang sa NORINCO QSZ-92 niya habang nilalaro laro.


"Spade. Problema?"


"A-ah? Wala King. May iniisip lang."


"Psh. Ang creepy mo tingnan. Nagmumuni muni ka na naman noh?"


Nginitian ko naman siya na may halong pangaasar. Alam niyo kasi, ang hilig hilig ni Ford magmuni muni magisa. Pag masaya siya habang nagmumuni muni, ngingiti yan mag isa kaya mapapagkamalan siyang baliw. Pag katulad naman ngayon na medyo malungkot siya o galit, nakatulala lang yan habang nagmumuni muni. Minsan hawak pa niyan ang baril niya katulad ngayon. Creepy af.


"Ewan ko sayo King. May iniisip lang ako."


"Ano ba yang iniisip mo? Nakakasira ka ng gabi."


"Grabe ka naman King! Kanina kasi may nakilala ako sa gym."


Babae problems? Love life problems? Wag na lang di ako interesado makinig. Di ko na lang siya inimik. Senyales na di ako interesado sa love life problems niya.


"Parang siya yung kapatid naming bunso na pinatay ng mga mafia. Parang nakamake up nga lang yung babae kanina pero kung pano magsalita yung kapatid kong bunso, ganun na ganun din magsalita yung babae kanina."


Automatic na napalingon ako sakanya.


"Napakaimposible naman niyang sinasabi mo. Ikaw mismo nakita mo kung pano nawala si Reese."


"She fucking called me Kuya Rae."


Biglang humigpit yung hawak niya sa baril niya.


"Did you asked her name?"


"Y-yeah. Selene Artemis daw."


Hindi nga siya. Reese ang pangalan ng kapatid niya. Ang layo ng Selene sa Reese eh.


"Ang layo ng Reese sa Selene so she's definitely not Reese."


"Pero kamukha niya yung kapatid ko King. Medyo mature lang yung itsura ni Selene kesa kay Reese. Kelangan ko mapalapit sakanya. I need to fucking confirm if she's my younger sister or not. It's been 7 years since that tragedy happened but I can feel that she's my sister."

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon