BATTLE 38
Raemar's POV
Iniwan muna namin yung mga couples sa loob kasi mukhang kelangan nila ng privacy at quality time -_- Di na nahiya kela Reese, Ella, Madelyn at Mariela na tulog! May kurtina nga na nagsisilbeng partition pero kahit na! Respeto pa rin sa pasyente diba?
"Raemar bro eto na inumin mo." -Mel
"Salamat bro."
Umupo muna kami sa upuan sa labas ng ward nila Ella. Kaming tatlo lang nila Dwican at Mel ang lumabas kasi babantayan daw ni Christian si Mariela hanggang sa magising eto kasi nararamdaman niya daw na magigising na din si Mariela. Iba din talaga pag tinamaan ka na ng kupido noh? Parang noon, wala kaming pakialam sa mundo. Tanging sa Black Piece Society at sa gang umiikot ang mundo namin pero ngayon, ang laki na ng parte nila Ella sa mundo namin. Kaya kung sino man ang may kagagawan neto sa kapatid ko at sa mga kaibigan niya, magtago na sila sa pinanggalingan nila.
"Raemar, bukas na lang tayo pumunta ng school. Mukhang magigising na din naman ngayon sila Mhadz eh. Bantayan muna natin sila. Tatawagan ko na din muna sila Cail na bukas na pumunta dito." -Dwican
"Ah sige ba. Tawagan ko tuloy si ate Rinne na kung pwede siya din muna magbantay kela Reese bukas."
"Sige." -Dwican
Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko pero mukhang naiwan ko pa sa loob ng ward nila Reese yung phone ko amp.
"Naiwan ko sa loob yung phone ko. Teka lang."
Pumasok na ko sa ward at didiretso na sana ako papunta sa desk katabi nung higaan ni Ella nang nakita ko si Christian at Mariela na magkayakapan habang tulog -_- Mukhang nagkatotoo ang sinabi ni Christian. Gising na talaga si Mariela pero amp bat dito sila nagyayakapan?! Di ko makita yung ibang chupol kasi nakasarado yung kurtina. Tulog ata yung tatlo ding chupol.
Di ko na lang pinansin sila Christian at dumiretso na ko sa desk katabi nung higaan ni Ella. Umupo muna ako at inayos ang buhok ni Ella na gulo gulo. Para siyang anghel matulog. Miss na miss ko na siya. Gustong gusto ko na siya mayakap ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?